Share

Chapter 14.5

Nang matapos ang dinner ay umuwi na rin si Dahlia dahil pupunta pa ito sa hospital kung nasaan ang Lolo nito.

"Awkward niyo kanina ah!" anang Nanay Sab niya na may dalang tasa ng tsaa.

Nasa garden siya nagpapahangin.

"Siya lang naman itong ayaw akong kausapin," nasabi niya.

Naupo ito sa harapan niya matapos ilapag sa table ang tasa.

"Dahlia is the daughter that I never had. Kaya nga gusto ko talaga siya for you. Magkasundo rin kami. Nanghihinayang nga ako sa inyo. Pero dahil tinuturing ko nga siyang anak at bilang kapwa ko babae, ang masasabi ko na lang ay buti nga sa'yo!" pairap na sabi nito kaya nagulat siya.

"Nay naman!"

"Don't get me wrong anak. Pero kasi, kung meron akong pinakamatiyagang tao na kilala. Siya yun. Imagine nung sinabi mong hindi mo na siya best friend? Pumupunta pa rin siya dito tapos pag may sakit ka, lagi kang dinadalaw. Taga-abot pa ng excused letter mo sa teachers niyo. Binibigyan ka rin ng notes para hindi ka mahuli sa lessons. May regalo din at palaging prese
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status