Pagkababa ko ng kotse, hindi ko na inintindi ang ayos ko. Gulong-gulo pa rin ang buhok ko, at ang suot ko ay parang nadugyot na sa kakahanap ko sa asawa ko. Mabigat ang bawat hakbang ko pero hindi ako tumigil. Mabilis akong naglakad papasok sa loob ng Sandstorm mansiyon. Nasa porch pa lang ako, sinalubong agad ako ng isang katulong, halatang nagulat sa itsura ko. “Good evening po, Sir Segundo,” bati niya. “Si Cecelia?” tanong ko kaagad. “Nasa taas po,” sagot niya na may pag-aalangan. “I want to talk to her,” ani ko. “Nagbabad po siya ngayon sa bathtub, Sir Segundo,” ani naman ng isa pang katulong na mukhang kagagaling lamang mula sa bar, may dalang wine at isang glass na malinaw na para kay Cecelia. Nilapitan ko siya. “Para kay Cecelia ba iyan?” “Opo, Sir,” mabilis na tugon niya, medyo naiilang. “Ako na ang magbibigay sa kanya,” saad ko. Hindi siya umangal at marahan namang iniabot sa akin ang dala niya. Wala akong inaksayang oras. Kaagad akong umakyat sa grand stair. Ramdam
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya