**Yeon Na** “Hello, Gab? Nakarating na ba kayo sa Northhaven?” tanong ko kay Gab nang sagutin niya ang tawag. “Hindi ko kasi matawagan si Sire. Nag-aalala na ako,” dagdag ko pa, ramdam ko ang bahagyang panginginig ng boses ko dahil sa kaba. “Uhm—yeah, narito na kami,” tugon niya, may alinlangan ang tono. Napakunot ako ng noo, hindi kumbinsido sa narinig. “Ah, ganoon ba... puwede mo bang sabihan si Sire na buksan ang phone niya? Gusto ko siyang makausap,” wika ko, mas seryoso na. “Sige, wait lang, Elise. Sasabihan ko siya,” mabilis niyang tugon bago niya ibinaba ang tawag. Bahagya kong inilayo ang cellphone, napatitig sa screen, saka dahan-dahang napaupo sa sofa. Napaupo ako at napalingon kay Lora na abala sa pagpili ng damit na isusuot namin mamaya. Tulad ng dati, gaya ng plano noong birthday ni Daddy, siya na naman ang gagawa ng paraan para magpanggap. Lilinlangin namin si Elidio. May nais akong makuha mula sa taong iyon, at kailangang magtagumpay kami ngayong gabi. Ramdam
최신 업데이트 : 2025-09-08 더 보기