"Alis na 'ko, Linda. Ikaw na bahala magsara dito, ha." I said, adjusting the bag on my shoulder. "Sige, sige. Balita ko may raket ka mamayang gabi?" Takang tanong nya. Tumango ako bilang tugon. "May mi-makeup-an akong bata para sa talent show. Sayang 'yung pera. 500 din 'yun." "O, e, magpahinga ka naman paminsan-minsan, Alina," she scolded lightly but with warmth in her tone. "Nitong nakaraan, madalas na ang pagtanggap mo ng raket, ah. Baka magkasakit ka na naman niyan." Umiling ako at nginitian sya. "Hindi 'yan! Pero salamat sa malasakit, ah?" Pabiro nya akong inismiran, pero kumaway din nang nasa pintuan ako. Dumiretso ako sa inuupahan kong apartment. Malapit lang ito sa bakeshop. Isang kanto lang mula doon at mararating mo na ito. The place was small. Isang maliit na kama, may kasikipan na kusina, at banyo na tama lang sa isang tao. Sobrang liit nito kumpara sa dati kong inupahan na apartment sa Manila. Pero kahit na ganoon, mas ayos ito sa akin. Bukod sa hindi mahal ang
Last Updated : 2025-09-14 Read more