แชร์

Blooms From Autumn Ash

ผู้เขียน: Lirp49
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-14 14:25:48

Blurb

Limang taon ang lumipas, ngunit hindi pa rin nakakalimutan ni Matthew ang pangakong binitiwan sa yumaong asawa.

Matapos mawala si Mika at ang kanilang unborn child dahil sa malubhang sakit, tinalikuran niya ang pagiging piloto at nanirahan sa Bohol—sa lugar kung saan minsan nilang ipinangako ang panghabambuhay.

Ngunit isang gabi, nakilala niya si Amara, isang dalagang hindi niya akalaing muling makikita sa unibersidad kung saan siya magtatrabaho.

Sa simula, wala silang pakialam sa isa't isa. Ngunit nang malagay sa alanganin ang dalaga, hindi napigilan ni Matthew ang tumulong. Sa bawat pagkakataong nagkakalapit, unti-unting nabuo ang damdaming pilit itinatanggi.

Paano mapapantayan ni Amara ang babaeng matagal nang namatay ngunit patuloy pa ring minamahal ni Matthew?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Melai Olshope Ancheta
sad nman ang kwento
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
omg namatay si Mika ang bestfriend ni Caitlyn
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 3 - Fearless

    NILAPAG ni Matthew ay baso ng alak sa harap ng customer. Ngumiti ito nang ubod tamis at hinawakan sabay haplos ang likod ng kanyang kamay.Mabilis niyang binawi ang kamay habang nakangiti pero sa loob-loob ay gusto na niyang umuwi at magpahinga. Noong isang gabi ay halos wala siyang tulog, ngayon siya binabawian ng pagkapagod."Hello, Matthew, one mojito nga," maarteng saad ng isang customer.Humarap siya nang hindi tinitingnan ang customer. Ginawa lang niya ang trabaho nang patapos na ay doon lang nag-angat ng tingin—sa isang babae."Ayos ka lang?"Nagtaas ng kilay si Matthew, hindi inasahan ang tanong nito.Muling napatingin ang lalake, nagtaas ng kilay. "What?""You look sad," diretsahang sabi ni Amara.Nabigla si Matthew, naningkit ang mga mata at tiningnan nang kakaiba ang babae sa kanyang harapan saka ngumiti. "Really? Do I look sad?"Humigpit ang hawak niya sa baso pagkatapos ay nilapag ang drinks nito. Kahit abala sa ginagawa ay pasimple niyang tinitingnan ang babae. Hindi niya

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 2 - Just in Time

    NAKAKADALAWA pa lang silang baso ng inumin pero parang gusto nang umalis ni Amara. Naaalibadbaran siya sa dami ng tao, nabubunggo na nga si Shaina na nakatayo lang dahil isa lang ang bakanteng upuan.Maging si Jonathan sa kabila niyang gild ay natutulak palayo dahil may mga sumisingit at nagpapapansin kay Matthew.Naiinis siya dahil bukod sa itsura nito, wala na siyang ibang nakikitang magandang katangian sa lalake. Hindi niya gusto ang pagiging peke nito, nagkukunwaring masaya kahit halata naman na hindi.Nang muling matulak si Jonathan ay doon na siya hindi nakapagpigil. Tumayo siya at hinatak ang dalawang kaibigan palabas."Uy, sa'n tayo pupunta?" react ni Shaina, hindi siya nagpahila sa kaibigan at ganoon din si Jonathan."Ang sikip-sikip na, umalis na lang tayo.""Gusto pa namin mag-stay.""Tama," segunda ni Jonathan.Lumingon si Amara sa pinanggalingan. Hindi niya talaga matagalan ang masisikip na lugar, hindi sila sardinas para makipagsiksikan. "Oh, edi, enjoy na lang kayo at u

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 1 - Encounter

    HINILA ni Amara ang buhok ng kaibigan matapos siyang dalhin sa beach bar. "Akala ko ba, pasyal-pasyal lang tayo?""Aray ko naman," reklamo ni Shaina sabay hila rin sa buhok nito bilang ganti. "Malamang, 'pag sinabi kong sa bar tayo 'di ka sasama. Kaya tara na.""Ayoko nga, uuwi na 'ko.""Uy, bakla. Tulungan mo nga 'ko rito," ani Shaina, hawak sa braso si Amara. "Ikaw sa isa para mabitbit natin 'tong babaeng 'to."Pinandilatan niya nang mata si Jonathan o Jona for short. Ang isa niya pang kaibigan na binabae. "Sige, hahalikan kita!" banta niya.Agad lumayo si Jonathan sa takot. "Yuck.""Hawakan mo sabi sa kabila, ako hahalik sa'yo!" babala ni Shaina.Walang nagawa si Jonathan dahil sa dalawa niyang kaibigan, mas nakakatakot si Shaina. Kapag nagbanta, talagang tinutotoo nito.Kaya ang ending, parehong hawak ng dalawa ang magkabilang braso ni Amara. Dadalhin nila ang kaibigan sa beach bar para mag-enjoy naman."Dalawang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo. 'Kala ko ba, masyado tayong mag

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Prologue - A Promise Meant to Last

    MAGKAHAWAK-KAMAY na naglalakad sa dalampasigan sina Matthew at Mika. Parehong nakayapak ang dalawa habang umiihip ang hangin dagat.Patungo sila sa dulo ng beach kung saan mas makikita nila nang malinaw ang paglubog ng araw. Saglit na huminto si Mika, dinama ang tubig dagat na binabasa ang kanyang paa."Pagod ka na ba?" tanong ni Matthew.Ngumiti si Mika at muling nagpatuloy. "Wala, ang ganda lang kasi ng lugar.""Gusto mo bang mag-extend tayo?""Pwede ba?" ani Mika, ang mga mata ay nagniningning sa tuwa."Siyempre, hindi," biro ni Matthew.Sumimangot si Mika sabay pabirong hampas sa braso nito. "Ang kulit."Ilang sandali pa ay nagpasiya silang maupo sa buhangin, mula sa kanluran ay pinagmasdan nila ang paglubog ng araw.Nakasandal ang ulo ni Mika sa balikat ni Matthew habang magkahawak-kamay pa rin. Pareho lang silang tahimik na dalawa, pinapanood ang unti-unting pagbabago ng kulay ng langit.Kinuha ni Matthew ang cellphone at kinunan ang magandang tanawin."Wow… ang ganda."Sumilip

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Blooms From Autumn Ash

    BlurbLimang taon ang lumipas, ngunit hindi pa rin nakakalimutan ni Matthew ang pangakong binitiwan sa yumaong asawa.Matapos mawala si Mika at ang kanilang unborn child dahil sa malubhang sakit, tinalikuran niya ang pagiging piloto at nanirahan sa Bohol—sa lugar kung saan minsan nilang ipinangako ang panghabambuhay.Ngunit isang gabi, nakilala niya si Amara, isang dalagang hindi niya akalaing muling makikita sa unibersidad kung saan siya magtatrabaho.Sa simula, wala silang pakialam sa isa't isa. Ngunit nang malagay sa alanganin ang dalaga, hindi napigilan ni Matthew ang tumulong. Sa bawat pagkakataong nagkakalapit, unti-unting nabuo ang damdaming pilit itinatanggi.Paano mapapantayan ni Amara ang babaeng matagal nang namatay ngunit patuloy pa ring minamahal ni Matthew?

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Epilogue

    PASADO alas-otso na nakauwi si Ezekiel sa tahanan ng mga Salvante. Pagpasok niya sa bahay ay nakasalubong niya ang isang katulong na pababa ng hagdan."Tulog na ba si Caitlyn?" tanong niya dahil sa nakalipas na tatlong buwan ay laging paiba-iba ang oras ng tulog nito.Minsan alas-singko pa lang ng hapon ay natutulog na ito, tapos ay nagigising ng madaling araw at matutulog kapag mataas na ang araw."Hindi ko po sure, Sir," anito hanggang sa tuluyan nang umalis.Nagpatuloy naman si Ezekiel habang pinapanood sa cellphone ang CCTV sa condo. Gusto lang niyang makita ang itsura at mahigit isang buwan na silang hindi umuuwi ng asawa dahil ang gusto nito ay umuwi sa pamilya.Payag naman siya roon kaysa mag-isa ito sa condo at nagdadalang-tao. Minsan nilang napag-usapan na mag-hire ng makakasama nito habang busy siya sa ospital pero mas komportable si Caitlyn na kasama ang magulang, para magabayan ni Meriam tungkol sa pagbubuntis.Huminto siya sa tapat ng p***o at marahang binuksan. Hindi pa m

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 44

    SA HALIP na si Sandro ang bumisita, ang assistant nito ang pinapunta sa ospital para ipaliwanag ang nangyari sa sasakyan ni Caitlyn.Maingat na tumayo sa gilid ng kama. “Tapos nang masuri ang kotse at ayon sa mga pulis ay electronic issue ang nangyari sa brake ng sasakyan."Napakunot-noo si Caitlyn

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-23
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 108

    NAPAPAPIKIT si Yna habang nakatungo ang ulo. Hindi niya matingnan ng direkta ang ama dahil baka mas lalo lang itong magalit. Nitong nagdaang buwan ay stress ito sa trabaho, wala naman siyang magawa dahil hindi siya hinahayaan na tumulong.Sa halip, ang nais nito ay gumawa siya ng bagay na hindi nam

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 109

    LABING-LIMANG MINUTO pa lang ang meeting ay agad ng natapos dahil sa shareholders at investor na nagsitayuan sa kani-kanilang upuan.Aligaga naman ang secretary at assistants ni Alejandro para mapanatili ang mga ito pero pinili pa rin ng mga ito na umalis.Maging si Sandro ay makailang ulit na nang

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 107

    HINABOL ni Ezekiel ang lalake sa kabila ng dami ng tao sa paligid. Sumigaw pa nga siya, nakiusap sa mga naroon na pigilan ito ngunit nilingon lang siya ng mga naroon hanggang sa lumawak ang distansya nila.Nahirapan pa siyang makadaan dahil ayaw niyang may mabunggo samantalang ito ay kung sino-sino

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05
บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status