Gabing iyon, tahimik ang paligid—pero ang isip ko, hindi. Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, pinagmamasdan ang aninong nililikha ng ilaw mula sa labas. Paulit-ulit akong pumikit at dumilat, umaasang kapag ipinikit ko ang mga mata ko, susunod din ang isip ko sa pahinga. Pero hindi ganoon kadali. Ayaw akong tantanan ng pangalan niya. Liza. Parang multong pabalik-balik sa utak ko ang mukha niya—ang ngiti niyang parang walang bahid ng masamang intensyon, ang boses niyang banayad, ang kilos niyang parang laging may sinasandalan. Kung hindi ko lang alam ang alam ko ngayon, baka naniwala pa rin ako. Pero hindi na. Hindi na ako pwedeng magpanggap na inosente ang lahat. Humiga ako nang patagilid at tinitigan ang mahimbing nang natutulog na si Janine. Napakapayapa ng mukha niya, walang iniintinding mga bagay na hindi angkop sa edad niya— tanging laman lang ng isipan niya ay ang pag-aaral, mga kaklase niya, mga guro, mga kalaro, ganoon lang dapat. Walang siyang kaalam-alam sa k
Terakhir Diperbarui : 2026-01-19 Baca selengkapnya