Kumuyom ang kamao ni Mallory, at bahagyang kinagat ang kanyang labi. Nakita niya ang mapang-asar na ngiti ni Iñigo at ang pagsang-ayon ni Julia. Ang lahat ay nakikita niya, at ramdam niya ang kaba at pagkadismaya."Alright, here's the next question, focusing on the second line of defense: In the human immune system, which cells are responsible for recognizing and remembering antigens?" tanong ng host, at agad na lumabas sa malaking screen ang mga salita. Ang bawat salita ay tila nagpapabilis ng tibok ng puso ng mga kalahok.Sa bilis na tila hindi pa niya nagagawa kailanman, at halos kasabay ng pagtatapos ng tanong, pinindot ni Mallory ang pulang button. Isang malakas na click ang umalingawngaw sa paligid, at ang ilaw sa kanyang harap ay agad na umilaw, senyales na siya ang unang nakapindot."Okay, Mallory will answer the question!" masiglang anunsyo ng host, at ang spotlight ay agad na lumipat kay Mallory."Lymphocytes," mabilis at walang pag-aalinlangang sagot ni Mallory."Correct an
閱讀更多