“Huh? Anong age gap?” tanong ko na. “Hindi ’yung age gap natin ang iniisip ko! Iniisip ko kung gaano ka na katagal ang hidwaan niyong magkapatid. Twenty-one, seriously?” Sandali siyang natigilan, tila hindi inaasahan na doon pala napunta ang takbo ng isip ko. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko at sumandal din sa upuan, gaya ng ginawa ko kanina. “It’s a Valderama thing, Lana,” tipid niyang sagot, pero bakas ang pait sa boses niya. “We were trained to lead, but we were also raised to be each other’s greatest rivals. Ang akala ng marami, ang swerte na namin dahil ipanganak kaming may gintong kutsara sa bibig. What they don’t know is that the same spoon can be used to stab you in the back.” Natahimik ako. Sa loob ng tatlong taon na kasama ko si Lucas, alam kong may lamat sila ni Caleb, pero hindi ko akalain na ganito na pala kalalim. Na baka simula’t sapul, wala silang konsepto ng pagiging magkapatid kundi dalawang kailangan magkompetensya. “Hindi ba nakakapagod ’yung ga'un?”
Terakhir Diperbarui : 2026-04-04 Baca selengkapnya