Kinaumagahan, maaga pa lang ay gising na si Lira. Hindi siya gaanong nakatulog magdamag. Paulit-ulit sa isip niya ang mga nangyari… ang pag-alis niya sa mansion, ang pagpasok niya sa bagong bahay, at ang bigat ng desisyon na iniwan niya sa likod.Dahan-dahan siyang bumaba mula sa kanyang kwarto.Habang naglalakad siya sa hallway, napapahinto siya paminsan-minsan, sinusubukang i-adjust ang sarili niya sa bagong environment. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahihinang usapan na nagmumula sa living room.Pagdating niya sa baba…Napahinto siya.Nakaupo sa sofa ang isang pamilyar na babae.Magkaharap ito at ang mommy niya.Magkahawak pa ang kanilang mga kamay.Nanlaki ang mata ni Lira.“Vanessa…?” bulong niya, hindi makapaniwala.Napalingon ang dalawa sa kanya.“Angela…” agad na sabi ng mommy niya.“Lira nalang po,” mabilis na sagot ni Lira, medyo nahihiya at hindi pa rin sanay sa bagong pangalan.Ngumiti ang mommy niya.“Lira… come here,” tawag nito.Dahan-dahang lumapit si Lira, pero
Ler mais