SABRINA DE VERA’S POV Hindi na mapakali ang buong university simula pa kaninang tanghali. Halos lahat ng students ay may hawak nang cellphone habang may kanya-kanyang pinapanood at pinag-uusapan. At kahit hindi nila direktang binabanggit ang pangalan ko…alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Dahil sa picture. Dahil sa uniform. My chest tightened painfully habang nakaupo ako ngayon sa loob ng classroom kasama sila Danica, Kristoff, Janice, Mariel, at Danive. Tahimik ang lahat. Pero ramdam na ramdam ko ang tensyon. Especially from my friends. “Ano bang klaseng mga tao ‘yang mga ‘yan?” galit na bulong ni Danica habang hawak ang cellphone niya. “Pati uniform na gamit mo ay kailangang i-post?!" Mahigpit kong pinagdikit ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Kasi hanggang ngayon…parang hindi ko pa rin ma-proseso ang lahat ng nangyayari. “Hindi pa naman kita mukha mo,” mabilis na saad ni Mariel na parang pilit akong pinapakalma. “Hindi nila mako-confirm
آخر تحديث : 2026-05-26 اقرأ المزيد