Darkchoco
"The only thing worse than a broken promise is a secret you can't afford to keep."
Sa loob ng ilang taon, nagtiis si Deneve bilang isang asawang hindi pinapahalagahan. Siya ang kumayod at sumalo sa lahat ng responsibilidad para sa tamad niyang asawa na si Julius. Pero ang sukli ng lahat ng sakripisyo niya? Nahuli niya itong nakikipagtalik sa mismong kababata niyang si Bianca. Umalis si Deneve na wasak ang puso, bitbit ang isang lihim na hindi niya kailanman binalak ipaalam sa asawa, buntis siya.
Apat na taon ang lumipas, malaki na ang pinagbago ni Deneve. Dahil sa stress at hirap ng buhay, lumobo ang timbang niya at naging isang losyang na single mom na nagpupumilit buhayin ang anak niyang si Hope. Sa kabilang banda, si Julius ay isa nang multi-milyonaryong tech CEO, sikat, matagumpay, at kasama pa rin ang kabit nitong si Bianca. Ang akala ni Deneve, tuluyan na siyang nakawala dahil hindi na siya hinabol ng lalaki at hindi na rin sila nag-file ng annulment.
Pero mali siya.
Nang aksidente silang magkita sa isang mall, hindi nakalagpas kay Julius ang pagkakapareho ng mga mata niya sa anak ni Deneve. At dahil madiskarte si Deneve at walang official birth certificate ang bata, gagamitin ni Julius ang yaman at kapangyarihan niya para alamin ang totoo. Bibilhin niya ang kumpanyang ina-apply-an ng asawa, bibigyan ito ng malaking sweldo, at ikukulong si Deneve sa isang kontratang hindi nito pwedeng takasan.
Nasa iisang hawla na ulit sila. Hanggang kailan maitatago ni Deneve ang anak niya sa lalaking dumurog sa kanya? At hanggang saan ang kayang gawin ni Julius kapag napatunayan niyang sa kanya ang batang pilit itinatanggi ng asawa niya?