Missme_Darlyn
Ang buhay ni Mara De Leon ay puno ng pag-aalala ang kumpanyang minana sa tatlong henerasyon ang De Leon Holdings ay papalapit na sa pagbagsak. Walang ibang paraan upang iligtas ang pangalan at kabuhayan ng pamilya kundi ang magpakasal sa isang estrangherong ipinakilala bilang simpleng lalaking galing sa probinsya si Kael. Sa ilalim ng kontrata, magiging mag-asawa sila sa loob ng isang taon: magkasama sa harap ng iba, ngunit bawal magmahal, bawal umasa, bawal magpanggap na totoo ang lahat.
Akala ni Mara, siya ang nagbibigay ng pabor pinapayagang makapasok si Kael sa mundong hindi niya kailanman narating. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagbabago ang lahat: ang lalaking akala niyang walang-wala ay may alam sa negosyo, sa batas, sa bawat bagay na tila dapat alam ng mga makapangyarihan. At higit sa lahat siya ang nag-iisang nananatili kapag lahat ay tinalikuran na siya.
Hanggang sa dumating ang araw na nalaman niya ang katotohanan: si Kael ay hindi lang basta mayaman siya ang tinatawag na “Anino ng Kayamanan,” ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bansa, na nagtago ng pagkatao upang makilala siya nang totoo. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, natuklasan din ni Mara na siya ay nagdadalang-tao. Sa takot sa panganib na kaakibat ng tunay niyang pagkatao, tumakas si Mara at nagtago nang tatlong taon palakiing mag-isa sa kanilang anak na si Lian.
Ngunit hindi siya makakatago magpakailanman. Nang magkita silang muli, kailangang harapin nila ang lahat: ang kasinungalingan ng nakaraan, ang sakit ng paghihiwalay, at ang pagpili kung muling magtitiwala para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.