Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Billionaire×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Office Relationship×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
Drama×
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Drama Web Novels & Billionaire Office Relationship Stories

Explore novels and web novels featuring Billionaire, with Office Relationship and Drama content. Browse engaging stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Accidental Mistress - undefined novels & stories
KAYE
Limang taon. Iyon ang panahong ibinigay ni Marisse sa isang malaking architectural project na pinaghirapan niyang buuin mula sa simula. Pero sa isang iglap, lahat ng sakripisyo niya ay inangkin ng sarili niyang boss at dating kasintahan. Hindi pa roon natapos ang lahat. Inakusahan pa siyang nagbenta ng kumpidensyal na mga dokumento, dahilan para masira ang kanyang reputasyon at tuluyang mawala ang career na matagal niyang pinaghirapan. At habang pilit niyang pinipigilang tuluyang bumagsak, nakikipaglaban naman sa buhay ang kanyang ina sa ospital. Wala nang natira kay Marisse. Wala siyang trabaho, pera, o sinumang mapagkakatiwalaan. Hanggang sa makilala niya si Vaughn Tiongson, isang makapangyarihang bilyonaryong may sarili ring problemang kailangang solusyonan. Isang pekeng relasyon ang naging sagot sa problema nilang dalawa. Si Vaughn ang magbibigay ng proteksyon at tutulong kay Marisse na linisin ang kanyang pangalan. Kapalit nito, kailangan niyang gampanan ang papel ng babaeng kayang bihagin ang puso ng isang bilyonaryo. Simple lang ang usapan. Walang totohanan. Walang emosyon. At higit sa lahat, walang iibig. Pero paano kung sa bawat halik, yakap, at sandaling magkasama sila, unti-unting nagiging totoo ang lahat? Habang mas lumalalim ang kanilang relasyon, mas maraming lihim ang nabubunyag. At sa likod ng mga kasinungalingan, may katotohanang posibleng sumira sa kanilang dalawa. Dahil minsan, ang pinakamapanganib na laro ay ang larong hindi mo namamalayang puso mo na pala ang nakataya. Kapag natapos ang kontrata, kaya pa kaya nilang magpanggap na walang nangyari? O pareho na silang mahuhulog sa bitag na sila mismo ang gumawa?
112
DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE - undefined novels & stories
SoleReign
"Isang gabing hindi niya inaasahan, isang lalaking hindi niya dapat magustuhan." Matapos ang ilang taong pagsasakripisyo para sa asawa niyang si Marcus, natuklasan ni Clara na hindi lang ito nagtaksil sa kanya kundi inangkin pa ang mga proyektong siya mismo ang gumawa. Pagod na siyang magtiis, kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang lahat. Pero ang hindi niya inaasahan, ang isang gabing nagpakalasing siya sa isang underground club para makalimot ay mauuwi sa isang gabing kasama ang bilyonaryong tiyuhin ng asawa niya na si Ethaniel Villaroman. Habang pilit na kinakalimutan ang nangyari sa gabing iyon, sinisikap ni Clara na simulan ulit ang career niya bilang corporate strategist. Nagpadala siya ng resume sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, na pag-aari mismo ni Ethaniel. Sa gitna ng mga pagtatangka ni Marcus na pigilan siyang tuluyang umalis at ng mas madalas na pagkikita nila ng malamig at misteryosong CEO, determinado si Clara na bumangon at patunayan ang sarili. Sa pagkakataong ito, hindi niya kailangang gumawa ng eskandalo para makaganti. Gusto lang niyang patunayang kaya niyang talunin ang mga taong minsang umapi sa kanya. Paano ka tuluyang makakawala sa isang kasal na matagal nang sira kung ang lalaking hindi mo inaasahang makilala ay siya ring taong mas lalo pang magpapagulo sa buhay mo?
10
105
Promoted to be Betrayed - undefined novels & stories
Rosy Vixen
Si Mara Villanueva ay isang masipag na brand strategist sa Luntian Loop, isang shiring risibg tech and lifestyle company sa Maynila. Bilang breadwinner, kailangan niyang doble kayod para sa dialysis ng kanyang ina at pag-aaral ng kanyang kapatid. Sa opisina, kasama niya ang mga kaibigang sina Bea, Nico, Sam, at Paolo, mga kaibigang itinuturing niyang pamilya. Isang Lunes, bigla siyang na promote bilang Associate Head of Consumer Growth. Dapat sana itong maging reward sa kanyang pagsisikap, ngunit kasabay ng promotion ay ang pagkawala ng files ng Project Habi at isang report na maaaring mag cause ng downfall ng kumpanya. Mas lumala ang sitwasyon nang bumalik si Adrian Lim, ang cold hearted heir ng Luthian Loop, bilang Interim Chief Strategy Officer. Palaging nagtatalo sina Mara at Adrian tungkol sa ethics, credit, at corporate decisions. Ngunit habang nagtutulungan sila sa Project Habi, ang kanilang conflict ay unti-unting nagiging attraction. Sa kabila ng growing feelings, hindi makapagtiwala si Mara dahil bahagi si Adrian ng pamilyang maaaring sumira sa kanyang karera. Habang iniimbestigahan nila ang lumang data breach, natuklasan ni Mara na may nagmamanipula sa promotion system, nagnanakaw ng confidential files, at gumagamit ng kanyang account upang siya ang gawing scapegoat. Mas masakit, isa sa kanyang mga kaibigan ang kasabwat. Sa bawat meeting, kailangang piliin ni Mara kung sino ang paniniwalaan bago tuluyang mawala ang kanyang pangalan. Nang mabunyag ang Project Orchid, nalaman ni Mara na ang kanyang ina ang tunay na gumawa ng technology na inangkin ng Luntian Loop. Ang promotion niya ay isang bitag para mapirmahan niya ang legal waiver ng kumpanya. Kailangang pumili ni Adrian, pamilya o ang katotohanan. Sa huli, ilalantad nila ang mga sabwatan, haharapin ang sumira sa kanila, at magsisimulang mula hindi bilang boss and employee relationsip,kundi bilang dalawang taong piniling ipaglaban ang isa’t isa.
70
Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir - undefined novels & stories
Ely
Hindi pinili, hindi paborito at itinakwil Mula sa mayamang pamilya, 4 na magkakapatid na puros babae. Panganay si Renzy sa magkakapatid, hindi gaanong matalino, pero maabilidad, mabait, malapit sa mga mahihirap, masakripisyo at mataas ang EQ Unang pagkakamali, umibig sa isang lalaking mas matanda sa kanya ng 10 taon, isang lalaking accountant, pero dahil sa talino nito, minamanipula niya ang lahat sa buhay ni Renzy. Mula sa kanyang pagkatao, paraan ng pananamit. Pagpili ng mga kaibigan. Unti unti na niyang tinatalikuran ang lahat. Ang sabi niya silang dalawa lang ay sapat na para mabuhay Pinipilit niyang makuha na agad ang mana ni Renzy. Tuso siya. Pero hindi pumayag si Don Ezekiel. Alam niya ang masamang pakay ng nobyo ni Renzy. Gusto niyang balang araw siya na ang magmamayari ng Sandoval Group of Companies Noong tinanggal siya bilang tagapagmana. Nagising si Renzy at nakita na niya ng malinaw kung sino ba talaga si Arzon Mercado. Isang oportunista at lintang gustong sipsipin lahat ng makukuha niya. Hanggang sa dumating ang napakalaking iskandalo Habang hinaharap ang mga hamon sa buhay. May makikilala siyang lalaki mula sa kanyang nakaraaan. Ang dati niyang kaklase. Si Martin Rivas Matalino at mula sa mayamang pamilya. Itinuring na kaibigan, pero dahil hindi pa siya handang makipagnobyo noon. Tinanggihan niya ang pag-ibig nito. At nang bumalik si Martin. Ang laki ng pagbabago niya. Hindi na siya mabait sa lahat. At parang napakapait din ng buhay. Hanggang nagtapo silang dalawa. At kahit pinaglalabanan ang mga damdamin sa isat-isa. Nanaig pa rin ang pagibig. Hanggang naging tanggulan ang isa't isa. Sapat na ang isat-isa. Para makabuo ng isang pamilya na walang paborito at hindi kailanman paalisin.
70
My Arrogant Boss Wants Me - undefined novels & stories
Magenta
Dahil sa isang kakaibang job interview, nagkaroon si Mara Castillo ng dalawang magkaibang trabaho. Mula Lunes hanggang Biyernes, isa siyang real estate salesperson na halos walang pahinga sa pagtatrabaho mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi. Pagsapit naman ng weekend, isa siyang personal assistant na tagaayos ng lahat ng gulong dulot ng kanyang boss. Simple lang ang naging kasunduan nila—trabaho lang, walang personalan, at lalong walang halong pag-ibig. Maayos sana ang lahat kung marunong lang sumunod sa kasunduan ang kanyang boss. Pero habang tumatagal, mas nagiging personal ang mga utos nito, at mas nahihirapan si Mara na manatiling professional. Ang tanong, hanggang kailan niya kayang umiwas sa lalaking araw-araw sinusubok ang pasensya at tibok ng puso niya? "Director, you're crossing the line!" "Then tell me where the line is, Mara. I'll meet you there."
79
THE BILLIONAIRE'S OBSESSION - undefined novels & stories
Jessa
Pero nang makilala niya si Alessandra Reyes, isang babaeng hindi natatakot na sagutin at labanan siya, may kakaibang interes siyang naramdaman. Nang masangkot ang pamilya ni Alessandra sa isang malaking utang, nag-alok si Alexander ng isang kasunduang hindi niya kayang tanggihan: isang taong kasal kapalit ng kaligtasan ng kanyang pamilya. Akala ni Alessandra, simpleng kontrata lamang iyon. Ngunit may isang bagay na hindi niya alam—matagal na siyang bahagi ng plano ni Alexander. Habang lumalalim ang kanilang relasyon, unti-unting nabubunyag ang mga lihim tungkol sa nakaraan, isang pagtataksil na sumira sa pamilya ni Alexander, at ang tunay na dahilan kung bakit siya pinili nito. What happens when the man who wants to own your future is the same man who could destroy it?
132
My Best Friend’s Brother Became My Boss After One Night  - undefined novels & stories
Arielle Goodnovel
May mga bagay na nagsisimula sa isang pagkakamali na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. Nang tuluyang gumapang ang panginginig at matinding init sa katawan ni Yvaine Sapphire Cruz dahil sa kalasingan, hindi niya inakalang ang nagbabagang sensasyong iyon ang maghahatid sa kanya sa bisig ng isang lalaking kailanman ay hindi niya dapat pinagbigyan. Sa pagitan ng malalalim na hininga, mga katawang naglalapit at nagtatagpo, at mga halik na tuluyang lumusaw sa natitira niyang wisyo, nilamon silang dalawa ng isang gabing puno ng pagnanasa. Sa mga sandaling iyon, nawalan ng kabuluhan ang mundo at tanging ang pag-angkin sa isa’t isa ang naging natatanging katotohanan. Ngunit sa pagbasag ng liwanag ng umaga, muling humampas ang totoong buhay. Ang lalaking nakasama ni Yvaine sa gabing iyon ay hindi isang estranghero. Siya ang nakatatandang kapatid ng pinakamalapit niyang kaibigan. At ang mas matindi pa ay ang makapangyarihang CEO na araw-araw niyang kailangang harapin sa trabaho. Si Daemon Alexander Riego. Paano kung ang gabing akala ni Yvaine ay isang malaking pagkakamali lamang ay siya pa lang simula ng isang relasyong hindi niya kailanman dapat pasukin? Dahil may mga gabing maaari mong takasan... ngunit may mga gabing, kahit anong gawin mo, lalagutin ang lahat ng bakas ng kahapon at hindi ka na kailanman papayagang makabalik.
161
Your Name on my Divorce Papers - undefined novels & stories
YORMI
Akala ni Camille Reyes, sapat na ang pagmamahal para mapanatili ang isang pagsasama. Pero matapos ang halos tatlong taon ng pagiging asawa ni Adrian Villareal, siya rin ang babaeng kailangang pumirma sa mga papeles para tuluyan na silang maghiwalay. Wala na siyang balak habulin ang lalaking matagal nang sumuko sa kanilang relasyon. Ang gusto na lang niya ay makahanap ng trabaho, magkaroon ng sariling matutuluyan, at buuin ulit ang buhay na nawala sa kanya habang sinusubukang iligtas ang kanilang pagsasama. Pero hindi niya inaasahang ang kumpanyang papasukan niya ay pag-aari ng pamilya ni Adrian. Ngayong kailangan niyang patunayan ang sarili niya sa trabaho, hindi niya puwedeng hayaang maapektuhan ng personal nilang problema ang mga desisyon niya. Lalo na ngayong may mga bagay sa kumpanya na kailangan niyang suriin, at si Adrian mismo ang isa sa mga taong kailangan niyang harapin. Para kay Camille, malinaw na ang isang bagay: hindi na siya babalik sa dating relasyon nila dahil lang minsan silang naging mag-asawa. Pero paano kung ang lalaking pumirma sa katapusan ng kanilang pagsasama ay siya ring lalaking hindi niya basta maiiwasan?
99
I Woke Up In My Best Friend’s Brother’s Bed - undefined novels & stories
Georgine Rae
Lumaki si Allison De Mesa sa isang kilala at respetadong pamilya. Parehong tanyag na mga propesor sa kanilang larangan ang kanyang mga magulang, kaya naman bata pa lamang siya ay naturuan na siyang mamuhay nang maayos at naaayon sa mga kagustuhan ng kanyang pamilya. Sa mata ng kanyang mga magulang at nakatatanda, si Allison ang perpektong anak. Mabait. Masunurin. Responsable. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, halos hindi niya kailanman sinuway ang mga desisyon ng kanyang mga magulang. Kaya nang isang araw ay ipaalam sa kanya na may napili na silang lalaking mapapangasawa niya, wala rin siyang nagawa kundi tanggapin iyon nang tahimik. Sanay siyang sumunod. Hanggang sa isang gabing dahil sa sobrang kalasingan ay aksidenteng napunta siya sa kama ng nakatatandang kapatid ng matalik niyang kaibigan. At mula roon, tuluyan nang nagbago ang kanyang buhay. Pagmulat ni Allison kinabukasan, halos hindi siya makahinga nang makita kung sino ang lalaking katabi niya sa kama. Si Zachary Montecielo. Ang lalaking kapatid nang matagal na niyang itinuturing na pinakamatalik na kaibigan. Ang lalaking dapat ay hindi niya kailanman nakikita sa ganoong sitwasyon. At higit sa lahat... Ang lalaking ayaw niyang pagkuhanan ng anumang responsibilidad matapos ang gabing iyon. Dahil sa takot na pagbayarin siya nito sa nangyari, mabilis na tumakas si Allison nang hindi man lamang naghihintay na magising ang lalaki. Akala niya, doon na matatapos ang lahat. Ngunit nagkamali siya. Dahil kinabukasan, sa kaniyang pinagtatrabahuhan, isang pamilyar na mukha ang nakita niya sa harapan ng lobby. Ang lalaking buong gabi niyang tinakasan. Ang kapatid ng kanyang matalik na kaibigan. At ang lalaking ngayon ay tinatawag ng lahat na... Boss.
182
The Billionaire's Six-Month Deal - undefined novels & stories
KENJI
Pagod na si Avril sa sunod-sunod na problema sa pera at sa ex niyang niloko siya. Ang gusto na lang niya ay tahimik na buhay habang unti-unti niyang binubuo ang pangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo. Pero nagbago ang lahat nang aksidente siyang makabangga ang bilyonaryong si Stefan Yñiguez. Si Stefan naman, may sarili ring problemang kailangang ayusin. Para makuha ang posisyong nakalaan para sa kanya, kailangan niyang patunayan sa pamilya niya na seryoso na siya sa isang relasyon. At dahil pareho silang may kailangan sa isa't isa, nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan sa loob ng anim na buwan. Simple lang ang usapan—pera kapalit ng pagpapanggap. Walang feelings, walang personalan, at walang komplikasyon. Pero paano kung ang simpleng kontrata ay mauwi sa araw-araw na asaran, hindi inaasahang pagseselos, at mga sandaling unti-unting nagpapalapit sa kanila? Sa iisang bubong, mas mahirap palang sundin ang mga patakarang sila mismo ang gumawa. Hanggang kailan nila kayang sabihing pagpapanggap lang ang lahat kung unti-unti na silang nahuhulog sa isa't isa?
94
PREV
12345

You May Also Like

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status