Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Nanny×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Teenager
Badgirl
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Nanny
Agent
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Hybrid
Gamer
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Second Chance×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
Comedy×
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Comedy Web Novels & Nanny Second Chance Stories

Explore novels and web novels featuring Nanny, with Second Chance and Comedy content. Browse engaging stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
THE PATIENT'S SECRET  - undefined novels & stories
Sunmaru
Sa edad na 21, ang pangarap lang ni Almira Jade Castillo ay makapagtrabaho nang maayos at makatulong sa kanyang pamilya. Kaya nang alukin siya ng trabaho bilang caregiver ng pinakamayamang pamilya sa kanilang nayon—ang mga Raven—hindi niya inisip na ang malaking sahod ay kapalit pala ng isang buhay na puno ng takot at mga lihim. Ang tungkulin niya? Alagaan si Ellixar Ace Raven. Isang lalaking halos walang nakakakita. Isang tagapagmana ng pamilyang Raven na matagal nang nababalot ng misteryo. Sinasabing may kakaibang pag-uugali, malamig, at hindi marunong makisalamuha sa ibang tao. Pero ang hindi alam ni Almira... Si Ace ay hindi isang ordinaryong pasyente. Sa edad na 30, si Ellixar Ace Raven ay isang henyo na may madilim na pag-iisip. Isang lalaking hindi natatakot sa mga bagay na kinatatakutan ng iba. Isang psychopath na kayang pag-aralan ang tao na parang isang eksperimento. At ngayon, si Almira ang bago niyang kinahuhumalingan. Sa una, ang tingin ni Ace sa kanya ay isang simpleng tagapag-alaga lamang. Isang bagong laruan na madaling masira. Pero habang tumatagal, nagsisimulang mabasag ang mga pader na itinayo niya sa sarili. Ang babaeng dapat niyang takutin ang siya palang nagiging dahilan para makaramdam siya ng mga bagay na matagal na niyang hindi nauunawaan. Samantala, habang sinusubukan ni Almira na mabuhay sa ilalim ng iisang bubong kasama ang isang mapanganib na lalaki, unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan sa likod ni Ellixar Ace Raven. Dahil sa likod ng malamig niyang mga mata at madilim niyang mga lihim... May isang dahilan kung bakit siya naging halimaw. At ang pinakamapanganib na bahagi? Si Almira ang tanging taong piniling manatili ng isang psychopath. Kapag ang isang tagapag-alaga ang naging obsession ng kanyang mapanganib na alaga... hanggang saan niya kayang tumakas?
10
4.4K
Mommy Nanny - undefined novels & stories
pariahrei
"𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢 𝐃𝐚𝐝𝐝𝐲, 𝐢𝐭𝐨 𝐫𝐚𝐰 𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲 𝐤𝐨. 𝐃𝐢 𝐛𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐨? 𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲. 𝐘𝐨𝐮’𝐫𝐞 𝐦𝐲 𝐦𝐨𝐦𝐦𝐲 𝐧𝐨𝐰.” Probinsyana si Dashi na lumuwas ng Maynila para magtrabaho bilang Nanny at Tutor ng demonyitong anak ni Vioxx Almeradez, habang nagre-review siya para board exam. Simple lang ang plano niya habang nandoon: 1. Turuan at asikasuhin ang bata 2. Magreview at maging topnotcher sa board exam 3. Maging Teacher sa abroad para i-ahon sa hirap ang pamilya. Subalit, lahat ng mga plano niya sa buhay ay nagulo nang magpakita ng interes sa kanya ang gwapo, simpatiko at masungit niyang boss. Syempre, kilig-kilig siya, pero hanggang doon lang dahil alam niyang aalis din siya sa bahay nito at hinding-hindi siya babagay sa mayaman na katulad ni Vioxx Almeradez. Matatag ang disisyon niya sa bagay na iyon, walang hahadlang! Pero may isa siyang nakalimutan! Si Shaun na anak ng boss niya, ay tinatawag na siyang Mommy sa halip na "Yaya Teacher". Hindi lang 'yon, pinakitaan pa siya ng ebidensya na siya raw ang Mommy nito. Ang picture na ibinigay ni Vioxx na kamukha niya nga. Susmaryosep! Paano siya nagkaroon ng ganong picture?! MOMMY NANNY [COMPLETED]- CHAPTER 1 TO CHAPTER 248 PERFECT HUSBAND'S REBOUND WIFE [ON-GOING] CHAPTER 249 TO RECENT CHAPTERS
10
23.2K 12 reviews
Punished By The Mafia Billionaire - undefined novels & stories
Wildrooster
Hindi ako marunong maging mahina. Sa buong buhay ko, kamao ang naging sagot ko sa lahat. Kapag may nanakit... lumalaban ako. Kapag may nang-api... sumusuntok ako. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabuhay. Pero walang suntok ang kayang talunin ang sakit ng makitang unti unting nilulunod ng sugal ang sarili mong ama. Isang gabi... isang maling suntok ang tuluyang sumira sa buhay ko. Akala ko isa lang siyang bastos na customer sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatikim ko siya ng pinakamalakas kong suntok. Hindi ko alam... ang lalaking iyon pala ay si Henry Zobel. Ang pinakamapangyarihan... pinakamayaman... at pinakakinatatakutang mafia billionaire sa bansa. Akala ko papatayin niya ako. Mas malala pa pala. Ginawa niya akong personal maid sa loob ng isang taon bilang kaparusahan... kapalit ng pagbabayad sa napakalaking utang ng ama ko. Ako? Maglilinis ng mansion? Hindi nga ako marunong magplantsa nang hindi nakakasunog. Hindi ako marunong maglaba nang hindi kumukupas ang damit. At lalong hindi ako marunong yumuko sa kahit kanino. Pero ang hindi ko inaasahan... ang pinakamahirap palang trabaho ay hindi ang pagiging maid. Kundi ang unti unting pagbuwag sa pader ng isang lalaking matagal nang namatay ang puso. At ang mas nakakatakot... Ang pagbabantay sa sarili kong puso na huwag mahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin. Lalo na nang makilala ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Zac... ang pinakamakulit, pinakamatalino, at pinakamatinding matchmaker na nakilala ko. Habang pilit niyang pinagdudugtong ang mga pusong pareho nang sugatan... May mga taong handang pumatay para manatiling mag-isa si Henry. At kung kailangan kong maging kalaban ng buong mafia world para iligtas silang mag-ama... Hindi ako uurong. Dahil minsan... Ang babaeng sanay lumaban gamit ang kamao... Natututong ipaglaban ang pag-ibig gamit ang puso.
10
487
The Ruthless Billionaire's Runaway Maid - undefined novels & stories
Wildrooster
Sabi nila, kapag billionaire ka, lahat kaya mong bilhin. Funny. Kasi kahit kaya kong bumili ng private island, hindi ko mabili ang isang text na "Mahal kita." Ako si Franco Voltaire. The ruthless billionaire. CEO by day. Emotionally constipated idiot by choice. At apparently... professional sa pagsira ng sarili kong love story. Imagine this. I survived hostile takeovers. Greedy investors. Corporate sharks. Pero ang pinakamalaking kalaban ko pala? Si Tanya Rivera ang literal na walking disaster ng buhay ko. Maingay. Makulit. Walang preno ang bibig. At walang takot sabihing mukha akong kontrabida sa teleserye. Dapat inis na inis ako sa kanya. Instead... Siya ang naging paborito kong dahilan para umuwi. Pero dahil bobo ako pagdating sa feelings, pinili kong manahimik. Akala ko may oras pa. Wala pala. One hug. Tatlong salitang... "I missed you." At isang maling akala. 'Yun lang ang kailangan para mawala siya. Hindi niya alam na ang niyakap ko ay ate ko. Hindi ko alam na buntis na pala siya. For one year, hinanap ko siya na parang baliw. Then I found her... sa isang maliit na café sa La Union. Masaya na siya. May bagong mundo na siya. At may kargang baby boy na eksaktong kamukha ko. Congratulations, Franco. Habang busy kang magpalaki ng kumpanya... may anak ka palang lumaking wala ang tatay niya. Ngayon, tuwing tatawagin niya akong "Mister," parang may kutsilyong umiikot sa dibdib ko. At ang masaklap? Mas gusto pa ng anak kong tawaging "Daddy" ang delivery rider kaysa sa'kin. Deserve ko. Pero hindi ibig sabihin susuko ako. Kahit pagtawanan nila ako. Kahit araw-araw akong i-reject ng babaeng mahal ko. Kahit sarili kong anak ang pinakamalakas mang-asar sa'kin. I'll keep choosing them. Because losing Tanya once... was already the biggest mistake of my life. I refuse to lose my family twice.
368
The Billionaire’s Gorgeous Maid - undefined novels & stories
Anak Ni Maria Clara
BLURB: Si Desyrie ay lumuwas ng Maynila bitbit ang isang pangarap: ang makapag-aral at makatulong sa pamilya. Taglay ang ganda ng isang tipikal na Pilipina—morena, may mapungay na mga mata, at hubog ng katawang pang-modelo—madali sana siyang makakahanap ng mapapangasawa. Ngunit sumumpa siya: hinding-hindi siya magpapakatanga sa pag-ibig gaya ng kaniyang ina. “Bahala na kung tumandang dalaga,” ang madalas niyang bitaw na salita. Sa kabilang banda, si Lumiere Salvatiero ay isang bilyonaryong kinalimutan na ang salitang "pagmamahal." Matapos iwan ng kaniyang fiancée para sa ibang lalaki, ang dating butihing boss ay naging malamig, mabalasik, at lunod sa trabaho. Para sa kaniya, ang mga babae ay iisa lang ang habol: ang kaniyang yaman. Ngunit magbabago ang lahat sa isang hapon. Sa tapat ng kaniyang mansyon, isang napakagandang babae ang nakatayo habang binabasa ang poster: HIRING: YOUNG MAID. Sa isang sulyap, Lumiere was starstruck. Ngunit agad niyang iwinaksi ang nararamdaman. Para sa kaniya, isa lang din si Desyrie sa mga babaeng gagamitin ang ganda para makuha ang kaniyang pera. Doon magsisimula ang isang laro ng pangungutya, pagtitiis, at damdaming pilit itinatago sa likod ng mga malamig na titig. Will Desyrie’s fierce heart break Lumiere’s icy walls? O magiging isa lamang siyang biktima ng nakaraan ng lalaking ayaw nang maniwala sa pag-ibig? "I thought he was my forever, but he was just a lesson. My real hero was always right beside me."
10
596
New Arrivals
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status