Yvhessirae
Niloko, inabandona ng asawa, itakwil ng pamilya.
Iyan ang kinahinatnan ni Vivienne Ramirez matapos ibigay ang lahat sa loob ng dalawang taon kay Leander Fajardo. Nang matuklasan niyang patagong kinikita ng asawa ang unang pag-ibig nito, isinuko niya ang laban na magagawa pa siyang mahalin pabalik ng asawa at itinapon ang kanyang karapatan.
Gumuho ang buhay niyang puno ng karangyaan. Walang pamilya, walang mapuntahan.
At sa gitna ng kaniyang pagbagsak, pumasok sa buhay niya si Elion Alcantara – ang kapatid ni Leander sa ama, at ang taong handang maging Fajardo para lang maging asawa siya.
Sa tahimik na isla ng Camiguin, sinubukan niyang bumuo ng bagong buhay bilang asawa ni Elion. Pero paano kung isang araw, ang lalaking dumurog sa kaniyang buhay ay nasa labas ng kanilang pintuan at desperadong bawiin siya at guluhin ang puso niyang natututo nang mahalin si Elion?
311