Lavender Skye
My One-Night Stand Became My Billionaire Husband
After one unforgettable night with a mysterious man, Freya decided to forget everything and move on. Wala siyang balak alamin ang pangalan nito, at lalong wala siyang balak makita pa siya.
Until one month later, she discovered she was pregnant.
Habang pilit niyang inaayos ang sarili at iniisip kung paano niya palalakihin ang isang anak nang mag-isa, biglang nagkasakit ang kanyang ina. Kailangan nito ng agarang kidney transplant, pero ang perang hawak ni Freya ay malayo sa kinakailangang halaga.
Sa panahong desperado na siya, muli niyang nakaharap ang lalaking pinilit niyang kalimutan.
At mas nakakagulat? Hindi lang ito basta isang ordinaryong lalaki.
Isa siyang bilyonaryo.
Nag-alok si Giovanni ng isang kasal. Tutulungan niyang makahanap ng donor ang ina ni Freya at sasagutin ang lahat ng gastusin sa operasyon. Bibigyan din niya siya ng sapat na pera para sa anak nila.
Simple lang ang deal. Magpakasal sila, pagkatapos ay maghiwalay kapag natapos na ang lahat.
Dahil kailangan ni Freya ang pera para sa ina at anak niya, pumayag siya.
Pero hindi niya alam na may ibang plano si Giovanni.
Dahil habang iniisip ni Freya na isang marriage of convenience lang ang lahat, seryoso na pala ang lalaki sa kanya.
Nang subukan niyang tumakas, hinabol siya ni Giovanni at mahigpit na hinawakan.
"Mr. Giovanni, ayoko na ng pera. Please, let me go."
Umiling ang lalaki bago siya mas lalong inilapit sa sarili nito.
"May marriage certificate na tayo. At anak na natin ang hawak mo. Saan ka pupunta?"
Akala ni Freya, pera lang ang kapalit ng kasal na ito.
Pero paano kung ang bilyonaryong pinakasalan niya ay hindi pala interesado sa divorce?
At paano kung ang one-night stand na gusto niyang kalimutan ay siya palang lalaking ayaw siyang pakawalan?
3.3K