Dusk and Ashes
Sa Presyo ng 50 Million.
Hindi inakala ni Alliana Ramirez na madudukot siya at maibebenta sa isang auction sa halagang 50 million pesos sa isang makapangyarihang Mafia boss na si Mr. Russo.
Sa halip na palayain siya, inalok siya nito ng marriage contract na tatagal ng tatlong taon. Kapalit nito, makakatanggap siya ng pera at kalayaan pagkatapos ng kanilang kasunduan.
Pero may isang kondisyon: kailangan niyang maging asawa ni Russo at ina ng tatlong taong gulang nitong anak.
Sa kanilang pagsasama, hindi lang takot at galit ang mararamdaman ni Alliana. Sa kabila ng madalas nilang pagtatalo, may mga sandaling nagiging mainit ang kanilang paglalapit, mga titig na mahirap ipaliwanag, at mga halik na lalong nagpapagulo sa isip at damdamin niya.
Pero paano niya haharapin ang mga nararamdaman niya para sa lalaking bumili sa kaniya?
Habang unti-unti siyang napapalapit kay Russo, mas marami rin siyang natutuklasang sikretong itinatago ng pamilya nito. Mga sikretong maaaring maglagay sa buhay niya sa panganib.
Tatlong taon lang ang kailangan niyang tiisin. Pero paano kung ang kontratang inaasam niyang matapos ay siya ring magpapabago sa buhay at puso niya?
62