Author Rain
“I need a wife, and I want you to marry me as soon as possible.”
Iyon ang mga katagang binitiwan ni Harry Anderson, ang makapangyarihang CEO ng Anderson Industries, kay Freya Dela Cruz, isang simpleng encoder sa kanyang kumpanya na limang buwan pa lamang na nagtatrabaho doon.
Hindi maintindihan ni Freya kung bakit siya ang napili ni Harry para maging asawa nito. Isa lamang siyang ordinaryong empleyado, at kakadivorce lamang niya sa kanyang dating asawa na si Alec matapos niyang mahuling may ibang babae ito.
Sa kabila ng sakit at traumang iniwan ng nabigo nilang pagsasama, muli siyang inilagay ng tadhana sa isang sitwasyong maaaring magpabago sa kanyang buhay.
Isang kasal na nakabatay sa kontrata. Sampung milyong piso kapalit ng pagiging asawa ng isang lalaking halos hindi niya kilala.
Madali sanang tanggapin ang alok kung pera lamang ang kailangan niyang ibigay kapalit ng kanyang pirma. Pero paano kung hinihingi din ni Harry na gawin nila ang lahat ng ginagawa ng isang tunay na mag-asawa, pati na ang bagay na ipinangako ni Freya sa sariling hindi na niya basta-basta ibibigay sa sinumang lalaki?
Handa ba siyang isugal muli ang kanyang puso at pagkatao para sa halagang sampung milyong piso? O tuluyan na niyang tatalikuran ang alok na maaaring mag-ahon sa kanya sa kahirapan?
Dahil paano kung sa likod ng isang pekeng kasal ay may mga damdaming hindi nila kayang kontrolin? At paano kung ang lalaking pakakasalan niya para sa pera ang siya ring lalaking magpapatibok muli sa pusong minsan nang winasak ng pag-ibig?
131