Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Billionaire's Bride: The Stranger

Billionaire's Bride: The Stranger

Inara Syndrome
Paano kung nang dahil sa isang gabi ay biglang nagbago ang buhay mo? Kaya mo bang pakasalan ang isang estranghero? O tatalikod sa harap ng altar at harapin na lang ang mga nakatutok na baril sa ulo mo?
102.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 96 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
1012.3K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 308 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Si Celeste Reyes ay ang perpektong asawa—tahimik, masunurin, at tinitiis ang kawalan ng pakialam ng kanyang asawang si Iñigo Samonte. Sa loob ng tatlong taon, naniwala siyang sapat na ang pagmamahal niya para baguhin ang matigas na puso ng bilyonaryo at makuha ang atensyon nito. ​Ngunit sa gabi ng kanilang ikatlong anibersaryo, napatunayan niyang siya ay isang "proxy" lamang. Walang pasabing iniwan siya ni Iñigo sa gitna ng selebrasyon—hindi dahil sa trabaho, kundi para sunduin ang nagbabalik na ex-girlfriend nito. Doon napagtanto ni Celeste na kahit anong pagsilbi niya, hindi kailanman magiging kanya ang pusong nakalaan na sa iba. Wasak at pagod na, ibinigay ni Celeste ang divorce papers. Ngunit sa halip na pirmahan, ginamit ni Iñigo ang impluwensiya nito para ikulong siya sa isang "90-day separation rule." Sa loob ng tatlong buwan, kailangan nilang magpanggap na masaya sa ilalim ng iisang bubong. Ngayong desidido na si Celeste na bumitaw, biglang nakaramdam ng selos si Iñigo nang lumitaw ang kanyang karibal na pinsan upang kunin ang atensyon ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagnanasang makuha muli ang loob ni Celeste at ang pait ng kanilang nakaraan, matututunan kaya ni Iñigo na totoong mahalin ang asawa bago maubos ang natitirang mga araw? O huli na ang lahat para sa isang lalaking natututo lang magpahalaga kung kailan mawawala na sa kanya ang lahat?
107.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 160 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
9.81.2K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 32 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
My Husband Wants Me Back After  Divorce

My Husband Wants Me Back After Divorce

Nagluluksa si Vhianne dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina, ngunit imbes na nasatabi niya ang kaniyang asawa ay nagpapakasaya ito kasama ang kalaguyo niya para ipagdiwang ang kaarawan nito. Doon narealize ni Vhianne na kahit kailan ay hindi talaga siya minahal ng asawa niya, kaya hindi na siya nagdalawang isip at nagdesisyong tapusin na ang lahat. Nang araw ding iyon, pinirmahan niya ang kanilang divorce paper. Pagkatapos ay nagtungo siya sa hospital para ipalaglag ang batang dinadala niya bago siya tuluyang umalis para kalimutan ang dating asawa. Five years later… At the Runway Show, an elegant and gorgeous supermodel in a mask, wearing a fashion designer dress walked-in, stunned the audience. “Amethyst… is that really her name?” Malamig na tanong ni Sebastian habang pinagmamasdan ang misteryosong babae. “Yes po, Mr. Guerrero. Maraming kilala at mayayamang tao ang handang magbayad ng bilyon-bilyon para makita lang ang mukha niya pero hindi talaga siya pumapayag.” Sagot ng kaniyang assisstant. Nang gabi ding iyon, sa kapangyarihan at lawak ng koneksyon ni Sebastian, napag-alaman niya na siya ang babaeng limang taon niya nang hinahanap. “Supermodel… Amethyst, hanggang ngayon ay sinusubukan mo pa rin akong takasan?” “Matagal na tayong tapos, Mr. Guerrero.” “I didn’t sign the divorce paper. Where’s my child?” “Child?” Vhianne scoffed, “Nakalimutan mo na bang pinalaglag ko ang anak mo?” she added. “Really?” a smirk flashed on Sebastian’s face, “Then, who are they?” Vhianne’s face went pale when three five-year-old children stood in front of her.
2.7K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 80 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
Chasing My Runaway Crippled Wife

Chasing My Runaway Crippled Wife

Isang gabi, nahuli ni Shuvee ang asawang si Azrael sa banyo habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae. Sa loob ng five years of marriage, ngayon lang luminaw ang lahat na hindi siya ang mahal nito. "Shuvee, Scarlett is pitiful coming back alone. I'm just helping her as a friend," paliwanag ni Azrael habang nag-eempake para sa kabilang kwarto. "I understand," tipid na sagot ni Shuvee. Maging ang birthday ni Scarlett sa isang private island ay pinuntahan nito. "I promised her, Shuvee. I'm just fulfilling a promise," giit ni Azrael. "Okay," sagot niya muli. Kahit nang sabihin nitong mas "suitable" si Scarlett bilang assistant sa isang banquet kaysa sa kanya, tumango lang siya. "Okay, go ahead." Nang tuluyan nang tumigil si Shuvee sa pag-iyak at paggawa ng eksena, naguluhan si Azrael. "Shuvee, why aren't you angry anymore?" tanong nito. Hindi na siya galit dahil tapos na siya. Secretly, she studied English, passed the IELTS, and secured her student visa. Noong araw na lumabas ang approval, nilapag niya ang divorce papers. "Don't be ridiculous. How will you survive without me?" Azrael sneered. She didn't answer. She flew to Europe and vanished. Months later, a video went viral where Shuvee, in a stunning red dress, dancing freely under a foreign sky. Nanggigil si Azrael habang pinapanood ang ex-wife. "Shuvee, I will bring you back even if I have to go to the ends of the earth!"
238 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 6 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
A Wild Night

A Wild Night

Trinity Mendez isang sikat na modelo hindi alintana ang tayog ng kan'yang kinalalagyan. Isang gabi nakipag inuman siya sa mga co-models niya at hindi niya inasahan ang mangyayari ng gabing 'yon. She was making out sa hindi niya kilalang lalaki ni kahit pangalan nito. Ang tanging natatandaan niya lang ay ang mukha nito.. Paaano kong ang isang gabi ay nagbunga? Hanggang sa ang masayang buhay niya ay magugulo ng masasangkot siya sa isang buy bust operation na kagagawan ng traydor niyang kaibigan na si Tiffany. Hanggang sa tatakas siya sa nakagisnang mundo at magpapanggap na isang pangit na secretary. At mai-inlove sa kan'yang boss na ubod ng sungit na ama ng kan'yang anak.. Paano kong ang tahimik niyang mundo ay gigimbalin ng isang trahedya ..
1017.4K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 452 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
Ang Maalindog na si Teacher Larson

Ang Maalindog na si Teacher Larson

Matapos mahuling may kasamang ibang babae ang kanyang ex-boyfriend, Erika Larson drowned herself to death one night, but was rescued by a man who looks like a greek-god. Isang gabi lang ang pinagsaluhan nila, ngunit pareho na nilang hinanap-hanap ang isa’t isa kaya naman gumawa na sila ng kasunduan—fuck buddies. No strings attached. No feelings involved. Isang kagalang-galang na guro sa isang prestigious catholic kindergarten sa umaga, at tuwing gabi naman ay isang nakakaakit na babae sa ibabaw ng kama ni Logan. Ngunit paano kung ang lalaking kinahuhumalingan niya ay siya palang ama ng isa sa mga batang estudyante niya? Hahayaan niya bang maging isa siyang kabit ng mayamang si Logan Vallejo, o tuluyan na niyang pakakawalan ito? Paano kung huli na ang lahat bago pa man siya makagawa ng desisyon?
1013.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 442 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
His Wedding Intruder

His Wedding Intruder

“Itigil ang kasal! Buntis ako at siya ang ama!” Matapos ng isang mainit na gabi kasama ang isang estranghero, kaagad siyang lumisan sa takot na maratnan siya nito. Ngunit nagimbal ang kanyang buong pagkatao nang malamang nabuntis siya ng lalaking 'yon. Kasabay nu'n ay ang pagkawala ng lahat ng kanyang ari-arian na siyang lalo niyang ikinalugmok. Desperadang makaahon sa hirap, tinanggap ni Ivy ang offer ng kanyang kaibigan. She was hired to intrude someone's wedding in anyways she could do just to make the wedding stop. Kaya ang naisip ni Ivy ay gamitin ang batang na sa kanyang sinapupunan. Ngunit paano na lang kapag nalaman niyang ang groom ng sisirain niyang kasal ay walang iba kundi ang lalaking kinamulatan niya matapos ng mainit na gabi?
10159.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4.5K kali sebagai araw gabi lyrics
Tampilkan Ulasan (32)
Baca
+Pustaka
Zen Yang
sa wakas nakahabol din, hehehe! sorry Senyorita ngaun lng ulit ako nakapagbasa, sobrang busy during holiday season, ngaun lng nagka time magbasa kaya magmula kahapon hanggang ngaun,unti unti ko ng binasa ulit etong Wedding Intruder mo, Chapter 4 to 42 (⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)
Marcelina Marasigan
congratulations Ms.A..grabe sobrang gandA,hnd kelangan n may SPG pr tangkilikin ang books nyo po.ang magandang storya ang mgdadala pr magustuhan nming mga mgbabasaang akda ninyo.maraming salamat din po sa mga aral na aming napulot.to keep a relationship getting stronger...TRUST,LOVE,COMMUNICATION.
Baca Semua Ulasan
Contracted To The Mafia : A Plus-Size Bride (Tagalog)

Contracted To The Mafia : A Plus-Size Bride (Tagalog)

WARNING! ⛔️⛔️ : 18+ ONLY "Hindi ba ito ang unang gabi natin bilang mag-asawa? Handa akong ialay ang katawan ko sa iyo, Ginoong Alexandro," sabi ni Lucia habang nakasuot ng isang seksi at mapang-akit na lingerie. Tahimik lamang na pinagmasdan ni Alexandro si Lucia mula ulo hanggang paa. Yumuko si Lucia, dahil hindi rin siya sigurado kung gugustuhin ng lalaki na hawakan ang mataba niyang katawan. Lumapit si Alexandro nang lumapit hanggang sa itinulak niya si Lucia, dahilan upang mapaupo ito sa sahig habang nakatingala sa kanyang asawa. "Mahilig ka ba sa BDSM?" tanong ni Alexandro. Napalunok nang mariin si Lucia. Ito na ang simula ng kanyang bangungot. Hindi kailanman naranasan ni Lucia ang mabuhay bilang isang anak na minamahal. Mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang, lumaki siya sa bahay ng kanyang tiyuhin at itinuring na parang isang pabigat. Mataba si Lucia, tahimik, at palaging ikinukumpara sa kanyang magandang pinsan. Natutunan niyang tanggapin ang mga pang-iinsulto bilang bahagi ng kanyang buhay. Hanggang sa isang araw, dahil sa lihim na pagkakautang ng kanyang tiyuhin, napilitang mapasok si Lucia sa isang kontratang kasal kay Alexandro De Luca, isang makapangyarihang lalaking malamig, malupit, at hindi madaling lapitan. Ang kasalang walang pag-ibig na iyon ang naging dahilan upang siya'y pagtawanan sa malupit na mundo ng mga elitista, maging sa sarili niyang tahanan. Itinuring siyang isang kahihiyan at isang asawang hindi karapat-dapat na tumayo sa tabi ng isang Alexandro De Luca.
140 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 3 kali sebagai araw gabi lyrics
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
910111213
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status