Diary Ng XXX Celebrity
Sinabayan ko pa iyon ng isang kagat ng croissant na dinala raw ng staff kanina.
Tahimik akong tumingin sa dagat, at doon ko na-realize kung gaano talaga kaganda rito sa umaga. Ang tubig, talaga namang kumikislap pa dahil sa araw na para tuloy kristal. Sa may dulo ng beach, tanaw ko si Haide at si Shaider na naglalaro ng volleyball kasama ang ilan sa mga resort staff.
“Ang ganda talaga rito,” sabi ni Quinn na kakarating lang mula sa hammock. “Parang ayoko nang umuwi.”