HIRAYA The Blind Lady
Tamang-tama ang ambiance habang binubuo ko ang tono ng kanta, ilang sandali lang ay nabuo ko iyon pakiramdam ko ay pag-aari ko ang mundo wala akong pakialam sa paligid ko.
Madamdamin ang lyrics ng kantang iyon dahil iyon ang isinulat ko noong panahon na hindi kami magkaunawaan ni Galen, at ngaun ay naulit na naman. Napabuntong hininga ako nang matapos kong kantahin, hindi ko namalayan na malaya nang dumadaloy ang aking mga luha.
“Gorgeous voice, so beautiful, Hon,” tinig iyon ni Galen, na hindi ko man lang namalayan na nasa loob na ng aming silid. Bigla akong napalingon sa kanya.
Bab Populer