Summer Scape [Filipino | Tagalog]
"Ang totoo, wala naman na 'kong galit sa kanila. Simula nang magsulat ako, nasimulan ko na ring unawain ang lahat. Siguro kasi kapag gumagawa ako ng kwento, alam kong may isang bahagi ng kwento na hindi nalalaman ng ibang mambabasa kaya madali nilang husgahan 'yung isang tauhan.
“Ang lagi lang nilang nalalaman ay 'yung kwento ng bida. Halimbawa na lang ay may isang babae na nais magkatuluyan ang dalawang tao pero ang naisip niyang paraan ay pagselosin iyong babae. Kung sa kaniyang kwento ang mababasa, iisiping ang bait niya. Pero kung kwento ng isa pang babae, iisipin ng lahat na inaagaw niya 'yung lalaki."
ตอนยอดนิยม