His Personal Maid
“Hmmm?’ sagot ni Evo habang gumagawa ng carrot shake. It’s near lunch time na. At dahil nag-volunteer si Karina, hindi naman niya puwedeng hayaan na lang na magluto itong mag-isa. Nagpaubaya naman ang mga maids nila na kilig na kilig na pinagmamamasdan silang dalawa.
“Naku, iyang si Sir Evo, bakit hindi na lang asawahin iyang si Ma’am Karina? Bagay na bagay sila, ano?”
“Gaga ka ba, hindi mo ba narinig ang tsismis na si sir Winston ang dating jowa ni Madam Karina? Malamang, iyon ang mahal niya!”
“Mas gaga ka pa rin, ano! Past is past na iyon! Ikaw na nga ang nagsabi na dati silang magjowa, e. Malay niyo ngayon, si sir Evo naman ang gagalaw para mapa-oo si Ma’am? Tingnan mo naman siya ngayon,