Diary Ng XXX Celebrity
“See? That’s what I told you—she’s got wit.”
Nagtagal kami doon ng ilang minuto, at kahit paano ay nawala naman ang kaba ko. Pero hindi pa tapos ang eksena dahil nang lumipat kami sa susunod na lamesa, halos mapahinto ako sa gulat.
Doon, nakaupo sina Caroline Anders, isang supermodel na matagal ko nang hinahangaan, kasama ang fiancé nitong kilalang Hollywood actor na si Evan Chase. Nakangiti silang pareho habang papalapit kami.