The Maid Who Became His Contract Wife
Gusto lang niya magkaroon ng tagapagmana, hindi ang magmahal at bumuo ng tunay na pamilya.
*****
Sa harap ng buong mundo, si Mona ay ang elegante at perpektong asawa ni Marco, ang tanging may hawak ng kapalaran ng pamilyang Delgado. Ngunit sa likod ng mga nakasarang pinto, si Mona ay isa lamang kasambahay na pinagbubuntis ang tagapagmana na magliligtas sa imperyo ng kanilang buong angkan.
Hindi kailanman hinangad ni Marco ang pagmamahal ni Mona. Ang kailangan lang nito ay ang nasa sinapupunan niya. Pero, nang piliin ni Mona na talikuran ang lahat at tumakas kasama ang sanggol, saka lamang napagtanto ni Marco ang pinakamalupit na katotohanan; hindi niya kailanman pinahalagahan ang nag-iisang babaeng nagtitiis sa kanya.
Ngayon, handa niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan upang mabawi ang babaeng minsan niyang itinuring na basura. Ngunit, paano kung ang dating katulong na inaapi at minamaliit niya ay wala na pa lang balak bumalik?