Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)
Sa isang gabi ng katahimikan, isang hindi inaasahang tanawin ang tumambad kay Yohan sa gitna ng gubat—isang babae, walang malay, balot lamang ng pulang tela. Wala itong pangalan, alaala, o paliwanag. Sa halip na iwan, dinala niya ito sa kanyang mansyon.
Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya. Siguro'y awa. O marahil, isang bagay na mas malalim.
Habang ginagamot at inaalagaan niya ang babae—na nangangalang Jasmine. Unti-unting nagbabago ang katahimikan ng mansyon. Ang mga bulong ng nakaraan ni Jasmine ay nagsisimulang lumitaw, kasabay ng pag-init ng tensyon sa pagitan nila.
Sa bawat titig, sa bawat dampi ng balat, nagiging mas mahirap para kay Yohan na mapanatili ang distansya. Pero sa likod ng malalambing na halik at maiinit na gabi, may mga tanong na hindi mawala sa kanyang isipan: Sino ba talaga si Jasmine? At bakit tila may itinatago ito na maaaring ikapahamak nilang pareho?
Isang kwento ng pagnanasa, misteryo, at tiwala—na unti-unting tinutunaw ng init ng katawan at lamig ng katotohanan.