Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE UNFAITHFUL WIFE

THE UNFAITHFUL WIFE

MissThick
Si Cindy ay isang teacher nang nakilala niya si Mark na isang gwapong estudiyante. Sa kagustuhang maranasan yung mga fantasy niya sa sex, pinatulan niya si Mark kahit pa alam niya na mahigpit na ipinagbabawal sa isang teacher na patulan ang kanyang estudiyante. Dahil ibinibigay ni Mark ang sex na gusto niya at si Mark ang una niyag naging karanasan, nabaliw siya sa lalaki. Gusto niyang solohin si Mark ngunit hindi pwedeng exclusive si Mark sa iisa lang. Nasira ang buhay niya. Natanggal siya sa pagiging teacher. Naging call center agent naman siya. Lalong lumala ang kanyang pagkahilig sa sex at dumating sa buhay niya si Raymond. Dahil nagpakita ng kabaitan ang napakagwapong si Raymond, inuwi niya ito sa kanila at sa mga unang mga araw, napakabait nga ng lalaki ngunit wala itong trabaho. Kung kailan mahal na niya si Raymond, isang araw pag-uwi niya, wala na lahat ang pera niya, ang lahat ng mamahalin niyang alahas at gamit kasama ng magnanakaw na si Raymond. Doon na naging lalong magulo ang buhay ni Cindy. Nakipagkita na siya sa kung sinu-sino basta maibigay ang hilig niya sa sex. Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Hanggang sa dumating si Daniel sa buhay niya. Si Daniel na naniniwala sa tunay na pag-ibig kaya niyaya itong pakasal sa kanya. Bumuo sila ng isang pangarap. Masaya na ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa hindi nagagawang kontrolin ni Cindy ang kanyang sakit. Sakit na hindi niya alam na mayroon siya. Paano magtatagal ang pagsasama nila ni Daniel kung walang tiwala si Cindy na mahal talaga siya ng lalaki? Paano masasatisfy ni Daniel si Cindy kung may sakit ang babaeng nymphomania na lalong lumala nang may asawa na siya. Na naghahanap na ang katawan ni Cindy ng sex hindi lang kay Dani kundi sa iba pang mga lalaki?
Romance
101.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Love From The Year Of 1942

My Love From The Year Of 1942

malditah
Si Lilac Bacani ang nag-iisang babaeng heneral na namuno at lumaban sa mga hapon kasama ang kanyang hukbo noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig. Isa siyang matapang na heneral at nirerespeto ng lahat. Ngunit dahil sa pagtatraydor ng taong pinagkakatiwalaan niya ng labis ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon na nagdahilan ng pagkamatay ng mga sundalo niya at pati na rin siya. Ngunit sa halip na umakyat sa langit ay nag-travel ang kanyang kaluluwa patungo sa taong 2022 at nagising siya sa katawan ng isang twenty years old na babaeng bagong kasal pa lamang na si Gwen Del Rio na kamukhang-kamukha niya. Paano mapaninindigan ni Lilac ang kanyang bagong katauhan sa makabagong mundo na hindi niya kabisado ang kapaligiran at sa katauhan pa ng isang dalagang binu-bully ng mga kamag-anakan nito? At paano kung umibig siya sa asawa ni Gwen ngunit matutuklasan naman niya na may isa pang katauhan si Lander na inililihim nito sa lahat? Makakaya ba niyang harapin ang pangalawang pagta-traydor na magaganap sa kanyang buhay? Makakaya pa ba niyang patuloy na mahalin ang apo ng taong dahilan kung bakit siya namatay kasama ang kanyang mga kasundaluhan noong nasa taong 1942 pa siya at ang taong nag-iwan ng malalim na pilat sa kanyang dibdib?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10785 viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
Romance
122 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
Romance
9.518.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Alpha's Keeper

The Alpha's Keeper

Sa mundo kung saan ang mga kalalakihan ay maaaring manganak, isang mangangaso na ang ngalan ay Felix Laureano ang mapupunta sa lugar na kung tawagin ay "The Alpha's town" o mas kilala sa tawag na hilaga. Nang makuha ang misyon na hindi inaasahan ay siyang pagdating ng kasagutan sa mga katanungan na nakaukit sa kaniyang nakaraan. Isang misyon na magsisilbing ilaw, misyon na magsisilbing gabay upang mabuo ang mga kasagutan sa mga katanungan matapos ng digmaan.
Other
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Concealed Powerful Son-In-Law

The Concealed Powerful Son-In-Law

Zantana
“Hindi na sapat ang pagmamahal lang.” Para kay Dean, masaya na siya at kuntento sa tahimik at simple na buhay na mayroon sila ng kanyang asawa na si Niah. Isang klase ng buhay na kasulangat ng kanyang kinagisnan. Ngunit hindi niya inakalang hindi ganoon ang nararamdaman ng kanyang asawa. Niah wants a luxurious and extravagant life. Isang bagay na hindi kaagad maibibigay ni Dean. Kaya noong makahanap ng lalaking magbibigay sa kanya ng buhay na pinapangarap, kaagad na nagdisisyon si Niah na hiwalayan ang asawa. She filed a divorce, dumped Dean, and hooked up with a rich man. Masakit iyon para kay Dean, pero hinayaan niya ang asawa sa kagustuhan nito. He loves Niah so much that he can do everything for her. Kaya noong inakala ng lahat na bumitaw na siya, doon siya kumilos at gumawa ng paraan. And what he did gradually surprised everyone, including his wife. Sa unti-unti niyang pagpapakita ng kanyang kakayahan bilang isang asawa at lalaki, dahan-dahan niya ring ipinakilala ang kanyang tunay na sarili. Would his wife, Niah, come back to him? And if she does, would he still accept her? Or would he move on upon realizing that his wife only loves him because of the things that he could give, and not because she loves him genuinely?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Twin's Revenge

Her Twin's Revenge

Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status