Mistaken Identity
At sa lalaking hindi niya mahal!
Lima silang magkakaibigan. Si Diane, si Mak, si Britney, si Aldo at siya. Sa kanilang lima, si Diane ang madalas pinaka-leader ng grupo. Samantalang si Mak naman ang pinakamatalino, mature at responsible sa kanilang lahat. Punong-puno rin ito ng wisdom kaya madalas, kapag may problema, ito ang madalas nilang hinihingan ng advice.