Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Taming The Heiress

Taming The Heiress

Dahil sa eskandalong kinasangkutan ni Judyfirst ay napilitan siyang pansamantala munang manirahan sa probinsya ng kanyang ama where she met the fisherman, Deolino. Unang pagkikita pa lamang nila ng binata ay hindi na kaagad sila nagkasundo. Wala na itong ginawa kung hindi ang kontrahin ang lahat ng gusto niya at pahirapan siya. And she hated him for that. Ngunit lagi na lamang galit ang mararamdaman niya para sa binata? O unti-unti ay mahulog na rin ang loob niya rito lalo na kapag nadiskubre na niya ang mga magagandang katangian na taglay nito.
1020.3K viewsCompletedAdded to Library 710 Times as pansamantala
Read
+Library
Owned by My Cold CEO

Owned by My Cold CEO

Wala sa plano ni Isabella Santos na ma-assign bilang executive assistant ng CEO ng Hale & Co. Enterprises. Tahimik at simple ang buhay niya sa Finance Department—hanggang sa pansamantala siyang ilipat bilang assistant ni Sebastian Hale: cold, intimidating, at hindi mo basta-basta mabasa. For years, Sebastian kept his feelings hidden behind strict rules and cold stares. Boss siya. Period. Pero just when he finally opened up, someone from Isabella’s past returned—someone who once had her heart… and maybe still does. Now Isabella is torn. Will she take a chance on the man who finally let his guard down? Or will she fall again for the one who never really left her heart?
8.59.7K viewsOngoingAdded to Library 281 Times as pansamantala
Read
+Library
Expect The Unexpected Marriage

Expect The Unexpected Marriage

Katana
Synopsis  Mapipilitang umuwi si Brianna upang dumalo sa kasal ng kaniyang kakambal na si Lilianna. Ngunit ang inaasahang okasyon ng kapatid ay siyang magiging kasal pala niya, malalagay siya sa isang sitwasyon na hindi niya kayang lusutan pa. Magiging asawa siya pansamantala ng lalaking rason kung bakit siya nagpakalayo-layo noon.  Mapaglabanan pa kaya ni Brianna ang sariling damdamin na noon ay pinaubaya sa kakambal?  O tuluyan nang mahuhulog sa lalaking una niyang minahal?  Paano kung sa pagbabalik si Lilianna ay bawiin ang asawa?  Ibibigay niya ba ito sa kakambal sa pangalawang pagkakataon? O, ilalaban kung alam niyang una pa lang ay pagmamay-ari na niya.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as pansamantala
Read
+Library
Till Contract Do Us Part

Till Contract Do Us Part

Dahil sa malaking problemang kinakaharap ng pamilya ni Bella, kinailangan nyang lumuwas ng Maynila upang makipag-sapalaran. Since sya lang ang inaasahan sa kanila, nag-doble kayod sya upang matugunan ang iba pa nilang pangangailangan at maisalba ang bahay at ilang ari-ariang naipundar ng kanyang mga magulang. Bukod doon, kailangan din nyang maipagamot ang kanyang amang may sakit. Dito nya makikilala ang isang lalaking magiging parte ng kanyang buhay. Isang mayamang abogado. Kapalit ng tulong na ibibigay nito sa kanya, ay ang alok naman nitong kasal pansamantala lamang. Kasal na sa mata ng lahat ay isang perpekto at masaya, ngunit sa kabila nito ay isang kontratang naglalaman ng mga kasunduan. Mapaglalabanan kaya nila ang bugso ng damdamin, o mapapanatili ang sinumpaang kasunduan?
10614 viewsOngoingAdded to Library 23 Times as pansamantala
Read
+Library
All For Show

All For Show

elliottstories
Walang permanente sa mundo ng showbiz. Ito ang isang bagay na natutunan ni Selene nang pansamantala nitong iwan ang showbiz. Sa muling pagbabalik nito, kakailanganin n'yang gampanan ang isang mahalagang papel sa likod ng camera: maging butihing maybahay ng kapwa artista na si Marion Altamirano. Marion Altamiro is one fine man. At dahil sa kasikatan nito, nasa kanya na ang lahat. Halos. Isang eskandalo ang kinasangkutan nito kaya't ang dati'y tinitingala ay tila isang putik ngayon kung tapakan dahil sa pagkakamaling iyon. Saving grace ang teleseryeng pagbibidahan ng dalawang artista dahil ito ang magsasalba sa naghihingalo nilang kasikatan. Kailangan din nilang magpakasal upang maging kapani-paniwala ang chemistry ng mga ito. Hindi magiging madali para sa kanila na pangatawanan ang napagkasunduan; unti-unti na rin kasing mawawala ang boundary sa pagitan ng totohanan at kasinungalingan. All for show pa rin ba na maituturing ang pagsasama nila kung kapwa na silang nahuhulog para sa isa't isa?
2.0K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as pansamantala
Read
+Library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
1011.9K viewsOngoingAdded to Library 345 Times as pansamantala
Read
+Library
My Forbidden Tycoon

My Forbidden Tycoon

Makalipas ang anim na taon, tuluyan na ngang pinirmahan ni Aurelia ang divorce papers. Ang mga papel na kailanman ay hindi niya pinangarap. Upang hindi tuluyang lamunin ng lungkot at kawalan ng pag-asa, tumungo siya sa isang club at doon nagpalipas ng sama ng loob. Isa, dalawa hanggang anim. Nilunod niya ang sarili sa alak sa pagnanais na makalimot pansamantala sa malungkot na pangyayari. Lingid sa kaalaman niya, ito pa pala ang magbubukas ng daan para sa kaniya patungo sa isang bagong oportunidad at pag-ibig. Magigising siyang hindi naaalala ang nangyari. Subalit, hindi pa man niya tuluyang naaalala ang lahat, malalaman na niya kaagad ang katotohanan mula sa gabing naganap—ang gabing hindi na niya malilimutan kailanman. Aling daan kaya ang tatahakin ni Aurelia? Ang daan ba palayo sa taong nagpapahiwatig ng pagkalinga, pagmamahal at pag-asa? O ang daan patungo sa walang hanggang kapahingahan, kasawian at katahimikan?
10269 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as pansamantala
Read
+Library
Inangkin Ako Ni Ninong

Inangkin Ako Ni Ninong

Hindi maipaliwanag ni Jasmine Arriola ang kaba at tuwang naramdaman nang ianunsyo na pansamantala siyang magiging secretary ng Ninong slash Boss niya. Sa kabila ng pagiging fresh graduate, pakiramdam niya ay isang malaking oportunidad ito. Si Alejandro Pascaul II ay hindi lang CEO ng malaking kompanya sa bansa—kundi matalik na kaibigan rin ng kanyang mga magulang. Hindi maikakaila ang karisma nito. Matangkad, laging maayos manamit, at may presensiyang kay hirap balewalain. Kaya kahit hindi sadya, napapatanong si Jasmine kung bakit nananatiling binata ang tulad nitong lalaki. At ngayong magkakatrabaho na sila, hindi niya naiwasang samantalahin ang pagkakataong mapalapit dito. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nahuhuli ng kanyang mata ang mga panakaw na tingin nito. May kung anong bigat at lalim sa bawat titig. Hindi niya alam kung ganoon lang ba talaga ito tumingin sa lahat, o sadyang may nais itong iparating—sa kanya lang.
1010.3K viewsOngoingAdded to Library 370 Times as pansamantala
Read
+Library
Ang Mabangis Kong Brother-In-Law

Ang Mabangis Kong Brother-In-Law

Si Rain ay isang eighteen-year-old na dalagang naghahanda na para sa college habang hinihintay ang parents niya na i-finalize ang condo na ni-reserve para sa kanya. Habang wala pa, pansamantala muna siyang nakatira sa ate niya sa Pinas dahil nasa honeymoon ang mga magulang nila na ewan ba niya kung pang-ilang beses na. Dahil sa kanyang pagka-inosente at kawalan ng karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, naging biktima siya ng sarili niyang brother-in-law na nabulag ng sariling pagnanasa. Sa kalagitnaan ng gulo ng buhay niya, makikilala niya ang isang gwapong lalaki na nagngangalang Marty. Pero bago pa man siya tuluyang mahulog, agad ding gumuho ang mundo niya nang madiskubre niya ang tunay at nakakasulasok na ugali nito. Dahil sa heartbreak at disappointment, tumakas si Rain para magpalamig muna sa bahay ng isang kaibigan. Pero doon, muli niyang makakaharap ang taong ayaw na sana niyang makita pa—si Marty. Sa tulong ng mabuting kaibigan, mabubunyag ang isang masalimuot na katotohanan: si Marty pala ay palihim na nakikipag-affair sa girlfriend ng kuya ng kaibigan niya. At ang plot twist? May gusto pala ang kuya na 'yun kay Rain.
3.8K viewsOngoingAdded to Library 148 Times as pansamantala
Read
+Library
Ang Bad Boy Sa Tabi

Ang Bad Boy Sa Tabi

“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
1020.7K viewsCompletedAdded to Library 662 Times as pansamantala
Read
+Library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status