Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby’s Daddy Is My Ruthless Boss (SPG) Matapos mahuli ni Arch. Alex Reyes ang fiancé niyang may relasyon sa sarili niyang best friend sa mismong engagement party nila, isang gabi ng alak, galit, at kahinaan ang tuluyang sumira sa maayos niyang buhay. Sa gabing pilit niyang kinakalimutan, nakilala niya ang isang delikadong estrangherong nagdala sa kanya sa isang gabing puno ng init, tukso, at padalos-dalos na desisyon. Akala ni Alex, mananatili na lang iyong isang pagkakamali na hindi na niya muling babalikan. Pero ilang linggo matapos ang gabing iyon, natuklasan niyang buntis siya. Takot na muling masaktan at iwan, pinili niyang mawala nang tahimik at palakihing mag-isa ang batang dinadala niya. Anim na taon ang lumipas, muling nagkrus ang landas nila nang matanggap si Alex sa pinakamakapangyarihang kompanya sa bansa. Ngunit sa unang araw pa lang niya sa trabaho, parang gumuho agad ang mundo niya. Dahil ang ruthless billionaire CEO na haharap sa kanya ay walang iba kundi si Azrael Laurent. Ang lalaking nakasama niya sa gabing hindi niya malimutan at ang ama ng kanyang anak. Hindi alam ni Alex na matagal nang hinahanap ni Azrael ang babaeng nakasama niya six years ago. Kaya nang matuklasan nitong si Alex pala ang babaeng iyon at ang batang kasama nito ay sarili niyang anak, hindi siya nagdalawang-isip na angkinin ang dalawa. Handa siyang pakasalan si Alex, protektahan ito, at tulungan sa paghihiganti laban sa mga taong sumira rito. Ngunit higit pa roon, determinado si Azrael na gawin ang lahat para tuluyang mahulog sa kanya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Pero hindi ganoon kadaling magtiwala si Alex. Lalo na sa isang lalaking kilala sa pagiging malamig, dominante, at mapanganib. Magiging sapat kaya ang pagmamahal para paghilumin ang sugatang puso ni Alex?
101.6K viewsOngoingAdded to Library 48 Times as dominante
Read
+Library
TO LOVE A BILLIONAIRE

TO LOVE A BILLIONAIRE

Lumaking puno ng pagmamahal si Jayda ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Jethro Montenegro, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Jethro na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya? Jethro Montenegro Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na minsan hindi niya nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Jayda sa kanya?
101.2K viewsCompletedAdded to Library 41 Times as dominante
Read
+Library
In Bed With My Scumbag Husband's Ruthless Father (SPG)

In Bed With My Scumbag Husband's Ruthless Father (SPG)

“Sleep with me again, Samantha. Let my son watch the woman he betrayed choose his own father.” *** Sa loob ng tatlong taon ng pagsasama, tiniis ni Dr. Samantha Garcia ang malamig, makasarili, at kontroladong mundo ng kaniyang asawa na si Joshua Herrera. Kapag gusto lang ni Joshua, saka lang siya nagiging “asawa.” Ngunit kahit sa mga gabing magkatabi sila sa kama, hindi kailanman naramdaman ni Samantha ang lambing, pag-aalaga, o pagmamahal na matagal niyang hinahanap. Unti-unting nalunod si Samantha sa isang relasyong puro pananahimik, kakulangan, at pag-iisa. Hanggang sa bumalik sa Pilipinas si Gabriel Herrera upang sagipin ang negosyong unti-unting sinisira ng sariling anak. Si Gabriel ang ama ni Joshua. Isang makapangyarihang businessman na kilala sa pagiging malamig, dominante, at walang pusong magdesisyon. Ang lalaking hindi basta nagpapakita ng emosyon at lalong hindi madaling lapitan. Hindi aakalain ni Samantha na ang unang pagkikita nila ay mauuwi sa isang mainit na gabing hinding-hindi na mababawi. Sa piling ni Gabriel Herrera, unang beses mararamdaman ni Samantha ang lahat ng bagay na matagal niyang hinanap—at hindi niya alam kung kaya ba niyang takasan ang mga ito kapag tuluyan na siyang nadala sa pinagbabawal na pagnanasa. Kinabukasan, nalaman ni Samantha na buntis ang matalik na kaibigan ni Joshua na si Isabella… at si Joshua ang ama ng dinadala nito. Sa unang pagkakataon, tuluyang nabasag ang puso ni Samantha. Doon niya napagtantong matagal na pala siyang niloloko nito. Sinubukan niyang lumayo sa mag-ama, pero mas lalo naman siyang hinihila papalapit ni Gabriel na hindi niya dapat mahalin. Paano kung handang sirain ni Gabriel ang sariling anak para lang makuha si Samantha? Makakaya kayang mahalin ni Samantha ang ama ng lalaking nanloko sa kaniya kung ang lalaking ito ang unang nagparamdam ng tunay na pagnanasa at pag-aalaga?
10476 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as dominante
Read
+Library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status