CARIÑO ETERNO
Hindi rin ako dinadapuan ng kahit na anong sakit.
Naging mas mapanuri ako sa aking kapaligiran. Nasaksihan ko ang pag-gawa nila ng tatlong tulay na siyang nagdudugtong sa kabilang parte ng ilog. Mas pinadali nito ang transportasyon pabalik at palabas ng bayan. Gumawa sila ng tatlong tulay na gawa bato, sa magkalalayong bahagi ng ilog kung saan hindi kayang tawirin ng kahit na anong kalesa, karwahe o paa. Tinabas nila ang malaking bahagi ng kagubatan at mas pinalawak ang kanilang nasasakupan. Di kalaunan ay bumuo sila ng malalawak na sakahan at taniman. Nabibilang sa pinakamayamang pamilya dito sa San Lazaro ang pamilyang Amor, Dela Cruz, Dela Peña, Gonzales, Vergara, and Sedeño.
Capítulos em Alta