Memories of the Past [COMPLETED]
"Huwag po, sapagkat baka makahalata ay di nila ituloy ang kanilang binabalak. Ang mabuti ay mahuli natin sila nang buhay at ng mapapasigaw sa kanila. Ako, sa ngalan ng aking pagiging pari, ay hindi dapat makilahok sa mga bagay na iyan. Dito kami ay magkakamit lamang na ako ang siyang nagtapat sa inyo at ng makagawa kayo ng marapat."
"Paalam po, padre, at marahil ay magiging obispo naman kayo," ang masiglang sabi ng Alperes na noo'y tumitingin sa manggas ng kanyang uniporme.
"Samakatwid ako'y padadalhan ninyo ng apat na sibil na nakapaisano. Mag-iingat kayo. Sa ikawalo ng gabi ay uulan ang mga bituin at krus."