I was forced to marry him, now i can't escape him
Pinunasan niya ang kanyang mga luha, nagsuot ng simpleng jacket, at maingat na lumabas sa likod ng mansyon—pumuslit sa isang maliit na blind spot ng bakod na hindi pa tuluyang naaayos ng tech team.
Mag-isang sumakay ng taxi si Thalie patungo sa nasabing abandonadong lugar, walang kaalam-alam na ang kanyang pag-alis ay magpapasiklab ng isang mas malaki at madugong komprontasyon sa pagitan ng kanyang asawa, ng sabwatang sina Shaine at Hanzo, at ng mga kaibigang handang pumatay para sa kanyang kaligtasan.
Habang nag-aabang si Shaine sa abandonadong building, kasalukuyan namang natapos ang pag-sync ni Grey sa bagong security grid sa control room ng mansyon.