Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
After Divorce : Marrying My First Husband Again

After Divorce : Marrying My First Husband Again

Napilitang magpakasal ang tanyag na abogadong si Elias Macini sa isang anak ng maid na si Dasha Rivera, sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi niya pinakitaan ng kabutihan ang babae, ngunit sa kabila nito ay pagmamahal pa rin ang binabalik ni Dasha. Natapos ang kanilang pagsasama noong nalaman ng lalaki na nagdadalang tao si Dasha, kaagad na nakipag-divorce si Elias sa kaniya at sumama sa tunay nitong mahal. Umalis ng mansyon si Dasha at isang aksidente ang nangyari na naging dahilan upang muli niyang makita si Samuel Valdez, ang una niyang naging asawa. Sa gitna ng kaguluhan sa kaniyang buhay at sa pag-alalang walang tatayong maging ama ng kaniyang anak, muli niyang pinakasalan si Samuel na walang kaalaman na ito ang desisyon na pagsisihan niya buong buhay.
1026.9K viewsCompletedAdded to Library 861 Times as first do no harm
Read
+Library
My Billionaire Boss Forgot Our First Night

My Billionaire Boss Forgot Our First Night

Dahlia hated her arrogant boss. Sinusumpa niya ang pagiging masungit at magagalitin nito. She promised herself that she wont date anyone like him. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng pagkakataon, isang gabi, natagpuan niya na lang ang sarili na nasa kama kasama ang lalaki. At kung may mas magulo pa sa impormasyon na may nangyari sa kanila. Iyon ay ang tila siya lang ang nakakaalala ng nangyari. Kahit anong gawin niya ay tila ba burado sa memorya nito ang gabing may nangyari sa kanila. At ang mas nakakainis pa ay ito rin ang unang nakaalam na tis siya. nagdadalang tao siya. Paano niya sasabihin sa lalaki ang nangyari sa kanila at ipapakilala ang anak niya rito kung wala itong maalala?
9.7492 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as first do no harm
Read
+Library
Paid to Say I Do

Paid to Say I Do

Ang kuwento ay umiikot sa isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang warehouse helper sa isang kumpanya. Tahimik ang kanyang buhay hanggang sa biglang magkasakit ang kanyang ina at mangailangan ng agarang operasyon. Dahil kapos sa pera, napilitan siyang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan. Labag man sa kalooban niya ay pumasok siya bilang Escort sa isang bar. Dito niya nakilala ang isang lalaki, handa siyang tulungan nito kapalit na kailangan niya rin itong tulungan dahil kailangan ng lalaki na may babaeng ipapakilala sa magulang niya bilang fiancee. Dahil kailangan daw munang maikasal ng lalake bago nito makuha ang mana mula sa magulang niya. Laking gulat ng pamilya ng lalaki nang malaman nila kung sino ang babaeng napiling pakasalan ng kanilang anak. Nadiskubre nilang ang babae ay biological daughter ng kanilang matagal nang karibal sa negosyo. Nalaman nilang pinaampon ang babae noong bata pa siya upang maitago ang kanyang tunay na identity at mailayo sa magulong mundo ng kapangyarihan at yaman. Nakita ng pamilya ng lalaki ang pagkakataon na gamitin ang babae laban sa kanilang karibal sa negosyo. Pinlano nilang ituloy ang kasal bilang bahagi ng kanilang corporate strategy, para mapabagsak ang pamilya ng babae. Habang tumatagal, ang dating kontrata ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Dalawang araw bago ang kasal, nalaman ng babae ang kanyang tunay na identity. Iniisip niya kung itutuloy pa ba ang kasal sa kabila ng kasinungalingan, o talikuran ang lahat upang protektahan ang sarili niya. Nang malaman ng lalaki ang tunay na plano ng kanyang mga magulang, tumutol siya rito. Handa siyang talikuran ang mana at labanan ang sariling pamilya para sa babaeng minahal niya. Sa gitna ng corporate rivalry, family politics, at personal betrayal, kailangang magdesisyon ang dalawa kung ang kanilang pagmamahalan ay sapat upang lampasan ang mga lihim at interes na bumabalot sa kanilang relasyon.
103.2K viewsOngoingAdded to Library 76 Times as first do no harm
Read
+Library
'Till Contract Do Us Apart

'Till Contract Do Us Apart

Para masalba ang kompanya ng kanyang ama, napilitan si Bianca na pakasalan si Lucien Hoffman—isang ruthless at disabled na lalaki. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal, nagulat ang lahat nang makita nilang nakakalakad ito nang maayos. At hindi lang iyon, napakaguwapo pa ni Lucien! Nang magtagpo ang kanilang landas, malamig na sinabi ni Lucien kay Bianca, "I will never love you or sleep with you. To me, you're nothing but a contracted wife." Ngunit dumating ang araw na hindi na niya magawang sundin ang nakasaad sa kontrata. Malumanay niyang sinabi, "I don't know, but I lose my mind when you're not here with me. Now, I’ll treat you as my wife. I will love you and… make love to you.” Umiling si Bianca. “It's a breach of contract! Do you know you'll have to pay for it?” Ngumiti si Lucien. “I can pay for that breach of contract even multiple times, as long as you'll be mine." Ngunit paano kung ang kontratang nagbuklod sa kanila ay siya ring maging dahilan para magkalayo sila?
10675 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as first do no harm
Read
+Library
Till Contract Do Us Part

Till Contract Do Us Part

Dahil sa malaking problemang kinakaharap ng pamilya ni Bella, kinailangan nyang lumuwas ng Maynila upang makipag-sapalaran. Since sya lang ang inaasahan sa kanila, nag-doble kayod sya upang matugunan ang iba pa nilang pangangailangan at maisalba ang bahay at ilang ari-ariang naipundar ng kanyang mga magulang. Bukod doon, kailangan din nyang maipagamot ang kanyang amang may sakit. Dito nya makikilala ang isang lalaking magiging parte ng kanyang buhay. Isang mayamang abogado. Kapalit ng tulong na ibibigay nito sa kanya, ay ang alok naman nitong kasal pansamantala lamang. Kasal na sa mata ng lahat ay isang perpekto at masaya, ngunit sa kabila nito ay isang kontratang naglalaman ng mga kasunduan. Mapaglalabanan kaya nila ang bugso ng damdamin, o mapapanatili ang sinumpaang kasunduan?
10639 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as first do no harm
Read
+Library
Sinira ng First Love niya ang Kasal ko

Sinira ng First Love niya ang Kasal ko

Sa araw ng kasal ko, dumating ang first love ng fiance ko sa wedding ceremony suot ang parehong haute couture gown na gaya ng sa akin. Pinanood ko silang tumayo ng magkasama sa entrance, binabati ang mga bisita na para bang sila ang bride at groom. Nanatili akong mahinahon, pinuri ko sila, sinabi ko na bagay sila sa isa’t isa—maganda at matalino, itinadhana sila para sa isa’t isa. Napaluha ang babae at umalis. Gayunpaman, ang fiance ko, ay hindi nagdalawang-isip na ipahiya ako sa harap ng lahat, inakusahan niya ako na mapaghiganti at makitid ang pag-iisip. Noong matapos ang wedding banquet, umalis siya para sa dapat sana ay honeymoon namin—at siya ang kasama niya. Hindi ako nakipagtalo o gumawa ng eksena. Sa halip, palihim akong nag-book ng appointment para sa abortion.
2.4K viewsCompletedAdded to Library 50 Times as first do no harm
Read
+Library
The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)

The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)

Precious Jasmin
Gagawin ni Bivianne Cordova ang lahat para lang maging isang perfect na anak. She'll aim for the top all the time, kahit na sino pa ang makabangga niya. Academics? Sisiguraduhin niyang hinding-hindi na siya matatalo pa ni Yeshua Tada sa number one spot sa buong school. Sports? Hinding-hindi na niya hahayaang matalo pa ng Fahrenheit Academy sa futsal. And she'll do all that to please her mom. Ngunit nang ipakilala ni Zenith Cordova sa kaniya ang isang lalaki, nagkaroon ng kalituhan sa kaniyang puso. She didn't want to date that guy with marriage in mind. Dahil isa lang ang gusto niyang makasama at pakasalan. Makakaya niya kayang suwayin ang ina sa unang pagkakataon para makasama si Oxem? O susuko na lang ito sa mga pagsubok na kanilang kahaharapin?
4.5K viewsOngoingAdded to Library 131 Times as first do no harm
Read
+Library
Why Do You Love Me

Why Do You Love Me

Reianne M.
Fate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e—nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong mangyari sa buhay mo, wala ka nang magagawa. Iyon ang nakatadhana, iyon ang dapat na mangyari, iyon ang nakasulat sa libro ng buhay mo kaya wala na. Tanggapin mo na lang. I was born rich. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko—kailangan ko man o hindi. My attitude and personality was already rotten that nobody can tame me except for the man who introduced himself as my fiancee. If my parents were both heartless for me, he isn't. Ako lagi. Ako muna bago ang iba—bago siya. But, the story of my life isn't favor of me. From being proud and arrogant to pathetic life. Good thing that I have him. He is always the shoulder that I always have to lean on. He is like my guardian angel for taking care of me. Siya lang talaga ang may kayang umunawa sa akin. Siya lang talaga ang nag-iisang umiintindi sa akin. That's why I kept on asking him, why — why does he love me so much?
1.7K viewsCompletedAdded to Library 49 Times as first do no harm
Read
+Library
Until Divorce Do Us Part

Until Divorce Do Us Part

Matapos ang tatlong taon ay bumalik mula sa abroad si Cerise Harrod dahil sa balitang malubhang kalagayan ng ina. Ngunit hindi niya akalaing sasalubungin siya rin siya ng divorce agreement ng kanyang asawa, sa papel. Sigmund Beauch. Pangalan palang nito ay nag-uumapaw na ng karisma. Kilalang businessman at metikuloso sa kanyang ginagawa. Para sa kanya-kanyang hiling ay nagpakasal sila, na naging hadlang sa tunay na pag-ibig ni Sigmund sa kanyang tunay na kasintahang si Vivian. Matapos ang sunod-sunod na di-inaasahang mga pangyayari at tila sinadyang mga pagtatagpo, matutuklasan kaya ni Cerise ang lakas ng pagiging malaya, o mapagtatanto kaya ni Sigmund kung ano ang posibleng mawala sa kanya?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 43 Times as first do no harm
Read
+Library
The Billionaire's First Love Has a Secret Child

The Billionaire's First Love Has a Secret Child

Kapwa may inililihim ang magkasintahang Diana at Ryan sa isa't-isa. Si Diana, ang napipintong arranged marriage nito sa isang mayamang binata sa kanilang bayan. Si Ryan, ang pagtatago nito ng kanyang pagkatao bilang unico hijo ng bilyonaryong angkan. Isang taon ng pagmamahalan at kinailangan na ni Diana na umuwi upang tuparin ang pangako sa pamilya. Sa gabi ng kanilang hiwalayan, nagpakalasing ang binata at inakalang may nangyari sa kanila ni Jade, ang kaibigang matalik ni Diana. Punong-puno ito ng pagsisisi sa nangyari. Pitong taon ang lumipas at nagkrus muli ang kanilang landas. Paano na lang kung malaman ni Ryan na hindi pala si Jade ang kanyang nakasama nang gabing iyon kundi si Diana? Ano kaya ang mangyayari kapag napagtanto nito na ang isang gabi ng kalasingan at kahinaan ay nagbunga pala ng isang bibo at matalinong bata?
106.2K viewsOngoingAdded to Library 248 Times as first do no harm
Read
+Library
PREV
1
...
34567
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status