Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE

THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE

Buong buhay niyang tinanggap ni Seraphina ang sakit, pananakit, at kawalan ng pagmamahal mula sa sarili niyang pamilya. May peklat sa mukha, mahirap, at itinuring na parang alipin, akala niya ay ganoon na lang hanggang sa huli—hanggang sa araw na ibenta siya ng sarili niyang ama kapalit ng isang milyong piso. Ibinigay siya kay Damian Black, isang malamig, mayaman, at makapangyarihang lalaki na para bang hari sa kaniyang sariling mundo. Napilitan siyang pumasok sa kasal na hindi niya naman ninais. Para kay Damian, isa lang siyang gamit na hindi pasok sa kaniyang pamantayan; para sa pamilya niya, isa lang siyang pabigat. Pumasok siya sa mundong puno ng yaman ngunit mas malamig pa sa bahay na iniwan niya. Hinamak at minaliit siya ng lahat, lalo na ng lalaking kaniyang mapapangasawa. Ngunit sa likod ng kaniyang kabutihan at pagtitiis ay nakatago ang isang babae na matagal nang naghihintay ng pagkakataon. Paano kung dumating ang araw na mapagtanto ni Damian na ang babaeng itinakwil niya ay siya lamang ang makakapagpagaling ng kaniyang puso? At kapag nakita ng pamilya niya ang pag-angat niya, kakainin ba sila ng pagsisisi sa pagtatapon sa isang kayamanang hindi nila kailanman narapat? Sa mundong pinamumunuan ng kapangyarihan at yabang, mahirap ang pag-ibig—ngunit para kay Seraphina, ito ang tanging daan patungo sa tunay na kalayaan.
101.8K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as god's calling
Read
+Library
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
10221.8K viewsCompletedAdded to Library 7.3K Times as god's calling
Read
+Library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
1022.8K viewsCompletedAdded to Library 546 Times as god's calling
Read
+Library
My Step- Brother's Temptation

My Step- Brother's Temptation

Scorpiowarrior
Sinisi ni Kidlat ( Light Aero) si Shein sa pagkamatay ng girlfriend nitong si Azalie. Namuhi ang binata sa dalaga subalit mariin ding nitong itinanggi ang akusasyon sa kanya. At gusto ni Kidlat na makulong si Shein, subalit nalaman din na hindi sadya ang mga nangyari. Subalit nanatiling namumuhi si Kidlat kay Shein at hindi naniwala sa mga ebidendsyang ipinakita sa kanya. Hanggang sa isang pangyayari ang naganap at naging step- siblings silang dalawa. Lihim na natuwa si Kidlat dahil chance na nitong mapahirapan si Shein. Hanggang kailan kamumuhian ni Kidlat si Shein? Wala na nga bang kapatawaran na natitira sa puso nito upang kapwa na sila matahimik? Anong klaseng paghihiganti ang gagawin ni Kidlat kay Shein?
102.6K viewsOngoingAdded to Library 89 Times as god's calling
Read
+Library
The Billionaire's Obsession (Tagalog)

The Billionaire's Obsession (Tagalog)

Mayaman. Maganda. Tinitingala ng lahat. Iyan ang kadalasan na maririnig sa tuwing binabanggit ang pangalan ng sikat na artistang si Rasheeqa Laurent. Perpekto na ang buhay niya kung tutuusin at hindi maipagkakailang hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte. Sa kabila ng mala-perpekto niyang buhay, ano ang mangyayari kapag malaman ng publiko na may sekreto siyang anak? Paano niya mapapanatili ang kanyang reputasyon at kredibilidad gayong hindi niya kontrolado ang sasabihin ng iba? At higit sa lahat, paano niya ipapaliwanag sa ama ng kanyang anak na siya ang ama nito gayong simula't sapol, ang lalaki na mismo ang nagputol sa ugnayang meron sila?
9.6672.9K viewsCompletedAdded to Library 24.2K Times as god's calling
Show Reviews (68)
Read
+Library
Mercy Santiago
Very interesting at mas nakain love ang bawat episodes. Hanggang sa huling episode nakakatrill. Thank you very much kahit medyo matagal basahin o mabagal ang mga free episodes nakaka thrill ang bawat episodes. May halong thrill at very loving ang mga bida sa sa bawat episodes. More power and tnx.
?abby??
i like this novel very much!!..it was a very very nice,good,lovely!!i don't know what to but i love this very much!!mahal kuta author ipagpatuloy mo ito author😊😊🌺🌺❤❤!!i can't believe na kahit sa mga bonus lang na u-unlock ko pa din ang mga chapters😊🌺❤mahal kita author😊😊❤🌺🌺❤❤
Read All Reviews
Hiding The CEO's Quintuplets

Hiding The CEO's Quintuplets

Nagsilang si March ng quintuplets. Mag-isa niyang pinalaki ang mga ito habang nagtatago sa kaniyang boss no'ng siya ay isang intern pa lamang. Ang ama ng quintuplet ay si Rod. Ito'y kasal na sa iba dahilan kung bakit ayaw ni March ipakilala kay Rod ang mga anak niya. Makalipas ang pitong taon, nakita ng ina ni Rod si March. May hiningi itong pabor dahilan para magkita muli si March at Rod. Sa kanilang pagkikita, matatago pa ba kaya ni March ang mga anak nila? O siya ang itatago ni Rod sa mundo kung saan tanging siya lang ang makakapiling nito?
10244.3K viewsCompletedAdded to Library 6.8K Times as god's calling
Show Reviews (32)
Read
+Library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Dinalynn
grabe eto yung author na lahat ng libro niya hindi nawala excitement ko kada update niya lahat ng chapter maganda talaga ramdam mo yung puso , dedication at emosyon bawal chapter more power po sana madami pa kame mga story mo mabasa ......
Read All Reviews
BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)

BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)

Sa unang pagkikita pa lamang ay may kung ano nang tumama kay Dave. Isang damdamin na tanging kay Jade lamang niya naramdaman. Love at first sight ba iyon? Hindi siya sigurado. Pero may isang bagay na tiyak: gusto niyang protektahan ang dalaga. At magagawa lang niya iyon kung palagi siyang magiging malapit kay Jade. Isang kontrata ang nagbigay-daan para matupad ang hangaring iyon. Isang kontratang walang bahid ng emosyon. Kaya lang, habang tumatagal at habang mas nakikilala niya si Jade, bakit parang handa siyang magbayad nang kahit gaano kalaki, mahalikan lamang ito? At sa huli, iyon din ang nangyari. O baka mas tama kung sabihing ang nasunod ay ang kagustuhan ng kaniyang puso at hindi ang nakasulat sa kontrata.
105.2K viewsCompletedAdded to Library 135 Times as god's calling
Read
+Library
The Billionaire's Unexpected Triplets

The Billionaire's Unexpected Triplets

Si Chellsey ay kinasal sa isang estrangherong lalaki na ni minsan ay hindi niya pa nakikita. Nang dahil sa isang pangyayari ay nakagawa siya ng pagkakamali— she slept with a stranger kahit na siya ay kasal na. Nigel Sandoval is a crippled billionaire, who married a woman he didn't know, at the same time he spent the night with a stranger woman, who became his addiction. Hiniwalayan niya ang kaniyang asawa para sa babaeng nakasama niya nang gabi na 'yon. But what if the woman he spends the night with is his wife? At nagbunga ng tatlong sanggol ang gabing sila'y magkasalo. Pero nasaan na ngayon ang asawa niya?
1047.9K viewsOngoingAdded to Library 1.6K Times as god's calling
Read
+Library
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
9.21.3K viewsOngoingAdded to Library 51 Times as god's calling
Read
+Library
She's My First Love

She's My First Love

I am a badass.. She's like a cotton candy. I am the leader of the gang.. She's like just a baby. I am a jerk.. She's kind and friendly.. We had a different path to take. Mine, are so wide, her are too narrow. We live in the same planet, but it's hard to be collided. It's hard to accept but fuck dude she touched my whole system without her knowing it. And fuck me for admitting it, but for the first time in history.. I am falling hard and... She's... my first love...
1018.7K viewsCompletedAdded to Library 729 Times as god's calling
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status