My Maid, My Love (Filipino)
"Gusto mo bang sumama sa akin, huh? Sumama ka na lang sa akin, anak. Wala ka namang gagawin dito sa bahay."
"Ganoon po ba? O, sige po, Ma. Sasama tuloy ako sa 'yo sa darating na Linggo para malibang-libang naman po ako kahit papaano," sabi ko kay mama. Pumayag naman kaagad ako na sumama sa kanya na um-attend ng birthday party ni Sir Albert na hindi ko pa nakikilala. Makikilala ko na rin ito 'pag sumama ako sa Linggo kay mama.