The Black Cat's Bride
“Hindi ka makakatakas sa akin, Hadassa. Naparito ako sa mundo para patayin ka at si Salem. Kapag magawa ko ‘yon, maghahari ako sa mundo namin at dito sa mundo niyo. Alam mo, ang bilis lang patayin nitong nagmamay-ari ng katawan na’to. Kahapon, ako na ang kaharap mo. Ang kalaban ni Salem, ako si Aldi. Nagulat ba kita?”
Umatras si Hadassa. Ayaw nang makisama ng mga paa niya sa kaniya. Tuluyan na ang mga itong sumuko, dahilan para mapaupo siya nang tuluyan sa Bermuda grass.
Lumapit sa kaniya si Gustavus o Aldi at pwersahan siyang pinatingala, sa pamamagitan sa paghila ng buhok.
Sikat na Kabanata