LOVE THAT BREAKS THE SILENCE
“Kaya kayo naging matapang humarap sa akin! Kaya ninyo kayang ipagmalaki ang inyong nararamdaman! Nilabag ninyo ang kasunduan, nilabag ninyo ang aking awtoridad, at higit sa lahat, ipinagwalang-bahala ninyo ang dangal ng pamilyang nagpalaki sa inyo! Akala ko ba may prinsipyo kayo? Akala ko ba sapat ang inyong pagmamahal upang tiisin ang panahon? Ngunit sa halip, pinili ninyong magtago at magsinungaling!”
“Itay, hindi po kami nagsinungaling tungkol sa aming damdamin,” mabilis na sagot ni Luvlette habang nagsisimula nang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. “Ang pagkikita namin ay hindi pagtataksil sa inyo, kundi pagtupad sa kung ano ang nararamdaman ng aming mga puso. May mga bagay po na hindi