The Billionaires Forgotten Love
Magkababata sina Joseph Hernandez at Klea Natividad. Mula pagkabata, hindi na sila mapaghiwalay—kambal tuko na nga kung tawagin ng lahat. Kahit magkaiba ang kanilang katayuan sa buhay, nanatiling matibay ang kanilang samahan. Si Joseph ay ang nag-iisang anak ni Don Rafael Hernandez sa Santa Rita—gwapo, matipuno, at tagapagmana ng malawak na lupain at yaman. Si Klea naman ay anak ng tapat na katiwala ng pamilya, lumaki sa parehong bakuran at itinuring na ring parang pamilya.
Saanman magpunta, magkasama sila—gala dito, gala doon, tawanan at kwentuhan hanggang madaling araw. Kahit babae si Klea, kilala siya sa pagiging matapang at napakalakas uminom ng alak, laging nakakasabay kay Joseph sa bawat tagay.
Ngunit sa kanilang huling inuman bago ang pag-alis ni Joseph, naparami ang nainom nilang dalawa. Nawala ang pagpipigil, natunaw ang hangganan ng pagkakaibigan, at sa init ng gabing iyon ay hindi nila napigilan ang damdaming matagal na nilang itinatago.
"Fuck me harder, Joseph..." ang tanging nasambit ni Klea nang gabing iyon, habang ibinibigay nila ang sarili sa isa't isa.
Kinaumagahan, tila panaginip na lamang ang lahat. Isang biglaang utos mula sa kanyang ama ang nagpabago sa lahat—kailangang umalis agad si Joseph papuntang ibang bansa para mag-aral at pamahalaan ang negosyo doon. Walang sapat na oras para magpaalam nang maayos, walang kasiguraduhan kung kailan siya makakababalik.
Maiiwan na lamang ba ang gabing iyon bilang alaala? Magkikita pa kaya silang muli ni Klea? At kung magkita man, may pag-asa pa bang mabuo ang nasimulan, o mananatili itong lihim na lamang ng nakaraan?