Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10860 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dirty Rich Billionaire

Dirty Rich Billionaire

Tinakbuhan ni Cassandra ang sariling kasal para makatakas sa arranged marriage na ginawa ng kaniyang ama. Sa kaniyang pagtakas, makikilala niya si Rico Varela na nakatira sa teritoryo ng mga low class. Dahil anak siya ng isang tycoon, kinailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong babae. "Ako si Sandy at hindi isang diyamanteng kumikinang." Sinakyan naman ito ni Rico at naniwala sa kasinungalingan niya. "Mukha ngang mababa ang estado mo sa buhay. Wala kang matinong tsinelas." Bubuweltahan niya sana ang binata ngunit naalala niyang nagpapanggap nga pala siyang mahirap. Kahit inis na inis na siya ay kailangan niyang magtiis. Lalo na't kinamumuhian ng binata ang mga katulad niyang lumaki na may ginto sa higaan.
Romance
475 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
USOK

USOK

Si Andrea Rosario, ang dalagang walang maalala sa kanyang nakaraan, ay tila binabangungot habang nakatira sa marangyang hotel ni Rafael Buenavista. Ang kanyang pag-iral ay hindi isang fairy tale dahil sulit ang gastos ni Rafael sa kanya bilang isang mistress. Habang nahuhulog ang loob ni Andrea sa lalaking ito, ay saka niya napagtanto na isa lang siyang laruan na anumang oras ay itatapon. Sino ngayon ang kanyang magiging "bayani" para tulungan siyang makatakas sa malupit at babaero na si Rafael Buenavista.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
She Stole My Heart (Tagalog)

She Stole My Heart (Tagalog)

KLAILEA LYNDSY GATDULA, miyembro ng isang sindikato na puro kababaihan ang gumagalaw. Kaya niyang magnakaw, magpaikot ng mga tao at pumatay makuha lang ang gusto niya. Sa lahat ng mission na ginagawa niya, ang magnakaw sa isang sikat, mayaman at maipluwensyang tao ang lubos siyang nahihirapan. Si Tu
Romance
1026.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Fated to be yours (Tagalog)

Fated to be yours (Tagalog)

Hinahanap ni Via ang hustisya para sa kanyang mga magulang, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kanyang matutuklasan na ang kanyang dating kasintahan na minahal niya ng sobra ay konektado sa pamilyang gusto niyang paghigantian at sirain. Makakaya kaya ni Via na ituloy ang kanyang paghihiganti? Ano ang kanyang pipiliin ang hustisya para sa kanyang magulang o ang kapakanan ng taong mahal niya?
Romance
1010.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
MY BROTHER OWNED ME (SPG)

MY BROTHER OWNED ME (SPG)

She was the adopted daughter. He was the family’s black sheep. Together, they crossed a line that shattered everything. Six years ago, Selene Monteviejo vanished—leaving behind scandal, heartbreak, and a secret too heavy to bear. Grateful to the powerful family who took her in, she made the ultimate sacrifice and walked away from the forbidden love that could ruin them all. What no one knew was that she left carrying Soren Monteviejo’s children. Ngayon, bumalik siyang pilit, dahil sa pagkakasakit ng adoptive mom niya. Pero ang hindi niya inakala, babalik rin si Soren sa pamamahay nila… may asawa na, at ang higit na nakakagulantang ay hindi man lang siya nito kilala. Masakit na nga sa kanya ang makitang may sakit ang kanilang ina, mas lalo pa siyang ginisa ni Soren. Hinahamak siya nito, tinatawag siyang ingrata. Parang salot na bumalik sa pamilya. Pero nagbago ang lahat nang matapang na awayin ng kambal niyang anak, pinagtanggol siya mula sa masakit na pananalita ni Soren—at doon nagsimulang mabasag ang iringan at magbago ang hindi magandang pagtrato sa kanya ni Soren. What if his hatred is hiding something deeper? What if his forgotten love was never lost—but stolen? Pag-ibig. Lihim. Alaala. Isang kwento ng pagmamahalang ipinaglalaban kahit bawal… kahit masakit… at kahit paulit-ulit na pinagkakait ng tadhana.
Romance
733.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)

The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)

"I will make you mine. I am not Phoenix Dark Mariano for nothing." Julliana Delos Reyes is a brave and gorgeous woman. Matapos ang isang trahedya sa buhay niya ay pilit siyang ipinakasal ng kaniyang tiyahin sa lalaking hindi niya kilala. David Asuncion, made her life miserable, palagi siya nitong binubugbog at ipinapahiya sa mga nagiging babae nito. In order to protect her daughter wala siyang magawa kung 'di tiisin ang lahat ng 'yon. Not until, she met Phoenix Dark Mariano. Nakuha ng binata ang atensyon niya dahil sa kakaiba at misteryosong presensya nito. Phoenix Dark Mariano is a CEO of XV Company, ngunit nakatago ang tunay niyang pagkatao bilang Mafia Lord. Nang makita niya si Julliana ay tila nagbalik muli ang isang bangungot sa buhay niya. Gusto niyang mas makilala pa ang pagkatao nito. Ngunit paano kung malaman niyang kasal na ito at may pamilya na? Are they both willing to commit sins in order to be happy? Paano kung malaman ni Julliana ang tunay niyang pagkatao pati na ang kaniyang pakay? Kapwa pa ba nila maituturing na pag-asa ang bawat isa kung ang nakaraan nilang dalawa ay ang dahilan ng pagkasira nila?
Romance
1028.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)

Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)

‘Pinangakuan siya nito ng kasal at walang hanggang kaligayahan na sa ibang babae nito tinupad…’ Umasa si Quinn Autumn Gonzales na sa pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na nobyong si Reon Nicolo Romanov, ay matutupad na ang mga plano at pangarap nila. Subalit isang araw bago makauwi ang lalaki, nabalitaan nalang niya na namatay ito sa gitna ng misyon nito bilang isang sundalo. Nagdalamhati siya ng labis pero pinilit niya ang sarili na magpakatatag alang-alang sa munting buhay na umaasa sa kanya. Limang taon ang lumipas, nakatagpo siya ng isang lalaking kamukhang-kamukha ng yumao niyang kasintahan—si Dmitri Sandoval. Iisang mukha, subalit ibang katauhan, kaparehong itsura, pero kakaibang pamumuhay at estado. At ang mas nagpaguho ng pag-asa niya ay ang katotohanang may pamilya na ang lalaki. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin ngayong muling nabuksan ang sugat ng nakaraan? Tunay nga kayang namatay na ang lalaking minamahal niya o sinadya lang nitong iwan siya para tuparin ang ipinangako nitong kaligayahan sa kanya para sa iba…
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband

One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband

“Let’s have a deal. Let me be your real wife just for one month, Dashiel.” Isang simpleng hiling iyon. Parang huling pakiusap ng isang babaeng pagod na pagod nang masaktan. Para kay Addison Leigh Castillo, iyon na lang ang natitira sa kanya, ang huling piraso ng dignidad kapalit ng pagmamahal na ibinigay niya kahit kailan ay hindi niya naranasang masuklian. Alam na ni Addison simula pa lang na ang kasal nila ay hindi dahil sa pag-ibig. Pinakasalan siya ni Dashiel Kristian Gutierrez dahil sa obligasyon at sa kagustuhan ng lola nito. Walang lambing, walang yakap, walang titig na may damdamin. Tahimik lang ang bahay, malamig, at hindi kailanman naging tahanan. Pero kahit ganoon, kumapit pa rin si Addison. Sinubukan niyang maging mabuting asawa. Tahimik siyang umasa na baka balang araw, matutunan siyang mahalin ni Dashiel. Hanggang sa unti-unti siyang naubos. Gusto nang pakasalan ni Dashiel ang babaeng mahal nito talaga. At ang mas masakit, buong pamilya nito ang pumayag. Doon tuluyang gumuho si Addison. Kaya gumawa siya ng isang huling kahilingan. Isang buwan lang. Isang buwan na tratuhin siya bilang tunay na asawa. Isang buwan na maramdaman kung ano ang pakiramdam na mahal ka. Pagkatapos noon, aalis na siya nang tuluyan. Para kay Dashiel, desperado lang si Addison. Isang babaeng ayaw pang bumitaw. Pero mali siya. Sa loob ng isang buwan, unti-unting nagbago ang lahat. Napansin niya ang mga ngiti ni Addison, ang tahimik pero buo nitong pagmamahal, at ang paraan ng pag-alis nito, walang reklamo, pero may iniwang sakit sa puso niya. Doon niya napagtanto ang lahat. Nang makita niya ang pagmamahal na matagal niyang binalewala, saka lang niya ito naramdaman. Pero huli na ba? O lalaban ba si Dashiel; sa pamilya, sa nakaraan, at sa sarili niyang pagkakamali, para sa isa pang pagkakataon? “One more chance,” bulong ng puso ni Dashiel. Pero handa pa bang bumalik si Addison… o tapos na talaga ang kwento nilang dalawa?
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1213141516
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status