Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's False Secretary

The Billionaire's False Secretary

Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
103.8K viewsOngoingAdded to Library 136 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
A Woman's Pain

A Woman's Pain

Sa loob ng limang taon, naniwala si Carmella na siya ang pinili. Na siya ang mahal. Na siya ang asawa. Pero sa isang iglap—gumuho ang lahat. Sa araw na akala niya’y ibibigay niya ang pinakamasayang balita sa kanyang asawa, siya mismo ang iniwan… at pinalitan. Harap-harapan. Walang paliwanag. Walang pagsisisi. “Hindi na kita mahal.” Isang pangungusap na sumira sa buong pagkatao niya. Ginamit lang siya. Isang kapalit. Isang pansamantalang babae habang wala ang tunay na minamahal ng kanyang asawa. Pero ang hindi alam ng lahat— Umalis si Carmella na hindi nag-iisa. May dinadala siyang lihim. Isang anak. Isang dahilan para bumangon. At isang dahilan para maghiganti. Mula sa pagiging isang babaeng iniwan at minaliit, babangon siya—mas matatag, mas matalino, at mas mapanganib. At sa pagbabalik niya… Hindi na siya ang babaeng minahal ng kanyang asawa. Kundi ang babaeng pagsisisihan nito habang buhay.
146 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

"Limang taon na tayong kasal, pero kahit kailan hindi mo ako minahal! " “Wala sa kontrata ‘yon, Sofia.” Malamig na sagot ni Eduardo Nang ipagtanggol ng sikat na abogado na si Eduardo Almira ang kaso ng ina ni Sofia, kapalit nito ay kasal, isang kasunduan na tatagal lamang ng limang taon. Pero paano kung sa limang taong iyon, natutunan niyang mahalin ang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya bilang asawa? Hanggang sa isang umaga, natuklasan niyang hindi lang puso niya ang nakatali sa kasinungalingan—pati ang batang tinatawag niyang anak ay anak pala ng babaeng tunay na minamahal ng asawa niya. Ngayon, habang papalapit ang pagtatapos ng kontrata, kailangan niyang pumili: manatili sa lalaking hindi kanya, o bitawan ang tanging lalaking minahal niya. Pero paano kung sa oras na handa na siyang umalis… doon naman siya gustong habulin ni Eduardo?
449 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
1021.7K viewsOngoingAdded to Library 607 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE

Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE

iloveyou5013
Umibig si Zoey Trisha Ramos sa isang playboy na si Edrick Kurt Lim. Labing-pitong taong gulang pa lamang noon si Trisha, isang freshman sa isang kilalang Unibersidad samantalang dalawampu’t dalawang taong gulang na noon si Edrick, graduating na ito at isang heartthrob. Sa simula pa lamang ay alam na ni Trisha na maling umibig sa isang playboy ngunit kahit sya mismo ay hindi napigilan ang puso nya sa pagtibok. Nangako ang isang playboy na magbabago ito at hinding hindi nya sasaktan ang babae ngunit dumating na nga ang araw na kinatatakutan ni Trisha. Ito ang araw na iniwan sya ni Edrick at nakipaghiwalay sa mismong araw ng graduation nito. Nalaman ni Trisha na paalis na rin ito ng bansa, dahil maraming katanungan ang hindi nasagot nag madaling pumunta si Trisha sa airport at ganoon na lamang ang tagpong naabutan nya, tila naman binibiyak ang kanyang puso sa nakikita ng dalawang mata nya sa harap mismo nya. Habang masayang masaya ito hindi man lang alam ni Edrick na may isang taong sobrang nasasaktan at nasasaksihan ang kaganapan na iyon. Samantalang parang na estatwa naman si Trisha sa kanyang kinatatayuan at hindi na nya nagawang lapitan si Edrick hanggang sa namalayan nya na lang na papalayo na ito sakanya na kasama ang isang babae. Makalipas ang limang na taon ay bumalik ang lalaki sa Pilipinas. Laking gulat nila na sa pag balik nito ay sya na ang naging substitute professor nila. Gagawin lahat ni Edrick mabawi lang nya ulit ang tanging babaeng minahal nya. Nasaktan nya ito ng sobra kaya sa kahit anong paraan ay babawiin nya ito at pinangako sa sariling hinding hindi nya na muli itong iiwanan at sasaktan pa. Muli nga kaya syang bigyan ng pangalawang pagkakataon ni Trisha? Maging pamilyar pa kaya ang mga puso nila sa LOVE?
3.1K viewsOngoingAdded to Library 83 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
Addicted to the Imperfect Billionaire

Addicted to the Imperfect Billionaire

Mula pagkabata ay nakatatak na sa murang isipan ni Daviana Policarpio na si Warren Gonzales ang kanyang magiging asawa dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga Lolo. Hinihintay na lang nila na maka-graduate siya sa kolehiyo para matuloy iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, at ng dahil sa mapaglarong kapalaran at panahon; kalahating taon bago mangyari ang plinano ng matatanda sa kanilang pamilya ay nalaman ni Daviana na mayroon pa lang girlfriend ang lalaking itinatangi at itinakda sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung marapat bang ipagpasalamat niya iyon, dahil nang gabing matuklasan niya na may lihim na kasintahan si Warren ay iyon din ang gabing hindi inaasahang muling magsasanga ang landas nilang dalawa ni Rohi Gonzalez; ang anak sa labas at half-brother ni Warren na mula pagkabata nila ay natitipuhan na ng dalaga. Subalit, hindi niya pwedeng ipilit dahil ang sabi ng mga magulang nila ay si Warren at hindi si Rohi ang lalaking nakatakdang maging kabiyak niya at makasama hanggang sa kanyang pagtanda.  Susuwayin ba ni Daviana ang mga magulang upang tuluyang pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso?
1073.6K viewsOngoingAdded to Library 1.7K Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO

Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO

Sa una niyang buhay, isang martir at talunang maybahay ang ganap ni Felicity Gambello sa kanyang asawang si Santiago El Gueco. Hindi niya maiwan ang asawa dahil sobrang mahal niya ito, kahit pa harap-harapan siyang niloloko. Natapos ang kanyang buhay sa isang malagim na kapalaran; ang kamatayan. But things turn a strange turn. Ang asawang hindi umuuwi sa kanilang tahanan sa previous niyang buhay, was now returning everyday. Nag-aalala pa ang lalaki na baka ipagpalit niya ito kapag hindi niya inagahan. “Jago, naniniwala ka ba na sa hinaharap ay hihilingin mo na lang na mawala ako?” “Huwag ka ng mangarap, Feli. Hanggang kamatayan ay magsasama tayong dalawa.” Bilang isang nilalang na muling bumalik sa nakaraan matapos niyang masilayan ang kanyang malagim na kamatayan, hinayaan na lang ni Fae na magsanga ang landas ng asawa at ng babaeng sa unang buhay ay ipinalit nito sa kanya. Subalit, sa halip na hiwalayan siya kagaya ng nangyari dati, kabaliktaran doon ang naganap. Hindi na nga siya hiniwalayan ng asawa, bagkus ay lalo pa siya nitong minahal. Ang nakakagulat pa ay nagawang taalikuran nito ang babaeng minsang naging sagabal sa pagsasama nila. Muli ba itong pagbibigyan ni Feli o ituloy niya na lang ang unang plano upang hindi niya maranasan ang malagim noon na kapalaran?
105.9K viewsOngoingAdded to Library 210 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez)

Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez)

Naging alipin ng lungkot at bangungot si Drake, ng mawala ang pinakamamahal niyang si Janella dahil sa kanyang kagagawan. Ang masakit pa, dala dala nito ang magiging anak na sana nila. Sa galit ng magulang nito sa kanya, ni hindi na niya nalaman kung saan ito inilagak ng mga magulang nito. Akala niya ay hindi na siya iibig muli, subalit, biglang tumibok ang puso niya, sa isang babae, si Justine, na hindi niya makausap man lang ng maayos, dahil parang galit na galit ito sa kanya. Paano niya paaamuin ang isang matapang na lion, kung hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugutan ng inis nito sa kanya? o siya ang lalayo sa babae kapag nalaman niya ang lihim sa pagkatao nito?
108.5K viewsCompletedAdded to Library 280 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
1037.1K viewsOngoingAdded to Library 1.4K Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
Island's Doctor

Island's Doctor

Professional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivarez. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family na wala na ata siyang mahihiling pa dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya. Well, maliban na lamang pala sa kanyang Daddy na wala nang ibang ginawa kung hindi ay ipagtulakan siya na maghanap na ng magiging kasintahan at agad nang magpakasal dahil gusto na daw nito ng apo sa kanya. At the age of 29 kasi ay wala pa siyang nobyo dahil sa wala ni isang pumapasa sa dami ng sumusubok na manligaw sa kanya. Kung kailan naman siya nakahinga ng maayos dahil umalis ang kanyang mga magulang para sa isang bakasyon sa Berlin ay saka naman niya nakabungguan ang lalaking hindi niya ata makakalimutan. Ang estrangherong naka-one-night stand niya nang magbakasyon siya ng dalawang araw sa isang isla sa Romblon. She tried to ignore his presence and pretended she doesn't know him. Pero mas makulit pa ata ito sa Daddy niya dahil simula ng magkita sila ay hindi na siya nito tinantanan hanggat hindi siya um-oo sa alok nitong kumain sa labas. Halos napanganga pa siya ng sabihin nito na liligawan siya nito at hindi siya titigilan hanggat hindi niya ito kinakausap o pinapansin. Paano na lamanh kung malaman nito na buntis siya at ito ang ama? Makakaiwas pa kaya siya kung ang tadhana na rin ang gumawa ng paraan dahil nakita niya itong kusap ang ama habang naghihintay sa lobby ng ospital at nagpaalam pa ito na liligawan siya nang malaman na Daddy niya pala ito.
713.5K viewsCompletedAdded to Library 352 Times as hindi na babalik chords
Read
+Library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status