HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife
"LAST YEAR, I HAD THE URGE TO WRITE A BOOK."
Napatingala si Tim nang marinig ang biglaang pahayag ni John. Binitawan niya ang binabasang Math book at inilapag sa gilid.
Naroon silang dalawa sa verandah ng kwarto ni John, magkatapat silang nakaupo at pinagmamasdan ang tahimik na gabi. Ang binabasa ni John na libro ay isang Science book, at ang akala niya, gaya ng mga nakaraan, focus na focus ito sa ginagawa kaya nagulat siya nang bahagya sa sinabi nito. Hindi niya inasahan ang ganitong usapan mula sa kaibigan.
ตอนยอดนิยม