Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
382 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire

Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire

Akala ni Erich siya ang pinakamaswerteng babae sa mundo, may gwapo, mapagmahal, at maunawaing asawa. Kahit hindi siya magka-anak, pinakasalan pa rin siya nito. She gave up everything for him. Handa niyang ibigay ang lahat para dito. She was not just a loving and dedicated wife, isa rin siyang asset sa kumpanya niya. Pero gumuho ang mundo ni Erich nang dalawang taon pagkalipas… Nalaman niyang fake pala ang kanilang kasal. Si Bryan ay limang taon nang kasal sa nanay ng batang inampon nila, na siya mismo ang nag-alaga. Durog man ang puso, hindi hinayaan ni Erich na paglaruan siya muli ni Bryan. Ang hindi alam ni Bryan, si Erich ang nawawalang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. He was left in regret. Para naman kay Erich, upang protektahan ang sarili at ang minana niya, kailangan niyang magpakasal kay Harvey Lorenzo, isang malupit at istriktong trillionaire na sa aura pa lang, ramdam mo na ang lakas niya. Dahil sa past failed marriage, nangako si Erich na hindi na niya paiiralin ang puso. Pero si Harvey… iba siya. Iba sa paraang kahit ayaw niyang mahulog muli ang puso niya, hindi niya mapigilan ito. Power, betrayal, at second chance sa love, handang-handa si Erich. Pero kaya niya bang panindigan ang puso niya sa mundong puno ng lihim at kapangyarihan?
Romance
281 viewsOngoing
Read
Add to library
Fall Inlove With The Billionare

Fall Inlove With The Billionare

Ligaya
BLURB: Sa isang malaki at mamahaling restaurant na pag-aari ni Richmond De Guzman, nagtrabaho ako roon bilang baguhang waitress. Hindi ko inasahan na mapalapit ako sa kaniya—minahal siya nang hindi ko sinasadya. Naramdaman ko rin ang attention niya na tila sumasagot sa nararamdaman ko. Tunay na naging malapit kami sa isa’t isa hangang sa isang araw... para akong pinag-sakluban ng langit at lupa. Nang sabihin niya sa akin na dumalo sa opisina niya sumunod ako, at isang nakakawindang na pangyayari ang aking nakita; si Natch at siya nakita kong nagháhálikan. Sobra akong nagsisi, nagalit sa sarili na umasa ako kahit walang kami. Ang mas masakit pa dahil may nakaraan pala sila. Ang dami kong nalaman na sobrang hirap tanggapin. Siguro ganoon nga talaga kapag assuming ka, sinasampal rin sa ‘yo ang isang bagay na ina-assume mo. Sa sobrang sama ng loob, pinili ko na lang umalis—hindi nagpaalam. Sumama ako sa mga magulang ko papuntang Singapore. Ilang taon ang dumaan, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Talagang hindi na tulad ng dati ang ‘ngayon,’ maliban sa nararamdaman ko. Bakit hindi ito nagbago? Gusto kong maging malaya, pero ang hiyaw ng puso ko ay iba. Dapat ko bang pairalin ang pride ko o sasabihin ko sa kaniya ang totoo?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
Romance
10444 viewsOngoing
Read
Add to library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
956 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Marrying the Worst

I'm Marrying the Worst

Dalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie ang pagmamahal na nais niya dahil matagal na siyang kasal sa kapatid ko! Ano bang mahirap intindihin doon? Nandito lang naman ako, e. Hinihintay ko siyang ako naman ang makita niya. Pero hanggang kailan ako maghihintay? Mukhang hindi ko na ata maiintay ang pangarap kong 'yon dahil ang sakit sakit na. Kailangan ko nang bumitaw. At mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Exclusive Wife Of A Billionaire

Exclusive Wife Of A Billionaire

Hindi inakala ni Shayne Morsel na ang blind date niya ay hahantong sa ganito—isang makapangyarihan at tusong lalaki na agad na nalaman ang lihim niyang pilit tinatago mula sa gabing iyon. Matinik ang dila, sobrang arogante, at determinado siyang itali sa isang kasunduan ng kasal sa kanilang unang pagkikita pa lang. Ngunit kahit anong pagtanggi niya, hindi siya nito kayang bitawan. Siya si Eldreed Sandronal, gamit ang charm, pananakot, at likas na talento sa pagkapikon, handa siyang laruin ang matagalang laro. Pero hindi rin papayag si Shayne na matalo nang ganun-ganun lang. Kung iniisip niyang magiging sunod-sunuran siyang asawa, nagkakamali siya. Magsisimula na ang laban ng puso at kapangyarihan.
Romance
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Beg Me, Professor (TagLish)

Beg Me, Professor (TagLish)

"Good morning, sir," nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang lalaking nakatayo sa harap ng klase-si Zachary Villarreal, ang dati niyang kasintahan. Dahil sa galit para sa kanyang pamilya, bumalik si Atasha sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Amerika. Narinig niya ang tungkol sa paparating na kasal ng kanyang kapatid na babae at hindi niya ito matanggap. Hindi niya matanggap na magiging masaya ang mga taong sumira sa buhay niya—ang buhay ng hindi pa isinisilang na anak. Nais niyang mamuhay silang lahat sa parehong miserableng buhay gaya ng sa kanya. "Magmakaawa ka sa akin, Propesor, habang pinagsisilbihan mo ang aking galit," tatak niya sa kaniyang isip.
Romance
1039.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status