UNBREAK MY HEART
“Teddy… paano? Hindi ba mahirap ‘yon? At ang baby… paano kung malaman niya pagkatapos? Baka mas lalo siyang magalit.”
Si Teddy ay huminga nang malalim, hinawakan ang dalawang kamay niya nang mahigpit na parang anchor sa gitna ng bagyo.
“Hindi madali, pero posible,” sagot niya nang diretso. “May mga legal na paraan petition for change of name sa korte. Pwede nating gawing ‘urgent and necessary’ dahil sa personal safety threat. May lawyer ako na dalubhasa rito. Gagawin natin nang mabilis at tahimik. Walang public notice na makakaagaw-pansin. Kapag naaprubahan, mapapalitan ang pangalan mo sa lahat ng records ID, bank accounts, lease, kahit sa birth certificate ng baby kapag isinilang na. Gagami