フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
Defend Me, Ninong Azrael

Defend Me, Ninong Azrael

Lumaki si Lara sa isang mahirap at magulong pamilya. Lasinggero ang ama, at madalang ang ina sa bahay dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pagkamatay ng ina dahil sa isang "aksidente," nagsimula ang kanyang paghihirap. Sa edad na 16, sinaktan siya at inabusong sekswal ng kanyang tiyuhin at pinsan. Ang pinakamasakit, pati ang ama niya na dapat ay maging sandalan niya, ay pinagtangkaan din siyang abusuhin. Dalawang beses siyang nagbuntis at nagpa-abort sa pamimilit na rin ng mga hayup na nang-abuso sa kanya. Sa edad na 18, tumakas siya at nagmakaawang makapasok sa kumbento. Doon niya aksidenteng nakita si Azrael Fove, isang mayamang abogado na "ninong" niya. Tinulungan siya nito at kinupkop. Nangako rin ito na proprotektahan siya at kailanman ay hindi nito uulitin ang ginawa ng mga lalaking sumalbahe sa kanya. Ngunit paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay malabag ng Ninong Azrael niya ang pangako nito at magbunga pa iyon ng isa na namang binhi sa kanyang sinapupunan? Paano kahaharapin ni Lara ang pagbabalik ng matinding takot na minsan na niyang kinasadlakan, matapos isang lalaki na naman ang dapat na proprotekta sa kanya ang siya pang muling nagwasak sa kaniya? At kahit pa sabihin niyang may namumuo na siyang pagtingin ko sa lalaki, paano niya pa rin niya haharapin ang katotohanan na magkakaanak na sila nito? Gayong bago pa siya pumasok sa buhay nito ay meron nang babae na mahal at nakatakda nang pakasalan nito?
Romance
103.5K ビュー連載中
読む
本棚に追加
The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina, matapos mamatay ng kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa isang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at sa kapatid na may sakit. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang pagtatagpo ng landas nila ng kaniyang childhood enemy na si William, ang kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company. Ang magpapabago ng kaniyang kapalaran. Matapos itong maka-one night stand dahil sa kalasingan, magiging boss niya sa trabaho ang kinamumuhiang lalaki. Ngunit, ang higit sa lahat ang pamba-blackmail ang huling naging alas nito mapapayag lamang siya sa kontratang kasal, palihim sa loob ng ilang buwan. Nang matutunan niya itong mahalin at mahulog ang loob nila sa isa't isa. Siya namang pagbabalik ng fiancée nito mula sa Paris na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa. Paano pa nila maipaglalaban ang kanilang relasyon laban sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Lalo pa't nais ng mga ito na siya'y mabura sa mundo.
Romance
1012.3K ビュー連載中
読む
本棚に追加
My Sugar Daddy's Brother

My Sugar Daddy's Brother

Mahirap ang buhay para sa labing-anim na taon gulang si Cassandra Vidal. Napilitan siyang magtrabaho sa club upang ipagamot ang inang may malubhang karamdaman. Akala niya'y hanggang doon na lamang ang kan'yang kapalaran, ngunit hindi nang makilala niya si Arman Solis, ang lalaking labing-walong taon gulang ang tanda sa kan'ya. Nagkaroon sila ng relasyon. Hindi naglaon ay namatay sa isang aksidente ang lalaki at iniwan sa kan'ya ang lahat ng ari-arian nito kabilang na ang Hacienda Miraflor. Lumipas ang limang taon, isang bagong pag-ibig ang dumating sa ngalan ni Mateo Bermudez. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Subalit isang linggo bago ang kanilang kasal ay bigla itong naglaho sa hindi malamang dahilan. Labis na nasaktan si Cassandra, hanggang sa bumalik ang binata, hindi para sa kan'ya kun'di para sa hacienda. Sa kanilang muling pagsasama, paano niya lalabanan ang pag-ibig na muling sumisibol? Paano kung isa pala si Mateo sa mga taong nais magpabagsak sa kan'ya?
Romance
1019.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
THE INVESTIGATOR

THE INVESTIGATOR

SAMANTHA VELASCO, edad na dalamput apat na taong gulang. Pumasok ito bilang Isang NBI Agent ng Black Stone upang matulungan ang mga taong naaapi. Taglay ang kasungitan sa katawan, lalo na pagdating sa mga lalaki. Ngunit hindi matatawaran ang angking kagandahan. Isa rin ito sa mga babae na labis na hinahangaan ng mga kalalakihan. Ang papel niya ay imbestigahan ang mga nangyayaring krimen sa bansang pinaglilingkuran. Nais din niyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na babae. Sa patuloy na pagtanggap sa mga mission at paghahanap sa taong pumatay sa kapatid at Ama ay hindi niya inaasahan ang makadaupang palad si Mr. Brayn Corts. Sa bawat pagkikita nilang dalawa ay para silang aso at pusa na hindi magkasundo. Sa bawat mission na magkasama ay palagi silang nagbabangayan dahil magkasalungat sila sa buhay. Kung baga parihas silang ma-pride at walang gustong magpatalo. Sa dalawang taong pinagtagpo ng maling panahon, may mabuo kayang pag-ibig sa kanila? Abangan!
Romance
197 ビュー連載中
読む
本棚に追加
MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire

MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire

Simula nang isinilang si Mhelcah ay kadiliman na ang nakikita niya. Paano kapag nakilala niya ang lalaking dahilan ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso? Paano niya ito tatanggapin sa buhay niya kong hindi niya ito nakikita. Kaya bang magmahal ng isang bulag? Sa isang lalaking misteryoso para sa kanya. Kilalang masugit, arogante at walang puso si Simon Blake. Sa edad niya ay masasabing isa siya sa mga pinakabata at pinaka matagumpay na businessman sa buong bansa. Kilala siya hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo. Ngunit mailap ito sa camera tanging mga staff lang niya sa kumpanya ang nakakakita sa kanya. Isa siya sa kambal na anak ng mag-asawang Luke at Caye. Simula noong bata siya ay napaka tahimik at napakaseryoso niya. Masasabing may pagkamisteryoso ito. Ano ang mangyayari kapag tumibok na ang puso ng isang misteryosong lalaki? Kaya ba niyang ipakita ang tunay niyang pagkatao sa taong mahal niya? Paano ipaglalaban ang pag-ibig na puno ng kasinungalingan?
Romance
1079.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
 No Longer His Submissive Wife

No Longer His Submissive Wife

“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Romance
1042.8K ビュー連載中
読む
本棚に追加
FORNICATION: Life between s*x and death

FORNICATION: Life between s*x and death

Bunso sa magkapatid si Carmelita. Madali sana ang buhay niya dahil nakapagtapos na ng pag-aaral sila at tanggap na ang kanilang pamilya sa kanyang lolo at lola, pero habang na sa sinapupunan palang si Carmelita may marka na ng isang sumpa ang kanyang pagkatao. Sa edad na labing-walo tatalab ang sumpa. Sumpa na makakabago ng paningin ng ibang tao sa kanya at ang kanyang paningin sa sarili. "Carmelita, Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin? Do I look that desperate for a child?"
Romance
5.3K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,

Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,

Mahilig mangarap si Renna Montenegro—literal. Sa bawat panaginip niya, isa lang ang sigurado: ikinasal siya sa isang guwapong bilyonaryo. Engrandeng simbahan. Perpektong lalaki. Romantikong eksena. Hanggang sa isang araw, nagising ang panaginip niya sa totoong buhay. Si Drickson Valemont, isang bilyonaryo na walang pasensya sa kalokohan, ay nanaginip din ng parehong babae—at nagpasalamat siyang panaginip lang ang lahat. Ang problema? Ang babaeng iyon ay biglang lumitaw sa harap niya… at hinalikan siya. Sa gitna ng mga bodyguard, takbuhan, galit na galit na bilyonaryo, at isang malaking nunal na hindi niya makalimutan, patuloy na iniisip ni Renna na panaginip pa rin ang lahat—kaya sinasamantala niya ang bawat eksena. Hanggang sa isang matinding kahihiyan ang gumising sa kanya sa katotohanan.
Romance
101.8K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Owned By My Devil Husband

Owned By My Devil Husband

Kahit anong pag mamahal ang binibigay niya sa asawa niya ay hindi siya nito minahal pabalik, sakit at pagdaranas lang ang binalik nito sa kaniya, Hanggang sa dumating ang pagkakataon na tuluyan siyang umalis sa tabi ng kaniyang asawa at ilang taon ang lumipas ay nagkita silang muli pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya ito maalala dahil sa kaniyang amnesia.
Romance
1016.1K ビュー連載中
読む
本棚に追加
前へ
1
...
4243444546
...
50
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status