Just a One Night Stand
Bawal akong magkamali sa harap nila, isa na daw akong kahihiyan mula pa noon kaya dapat maging kaaya-aya at katanggap-tanggap naman ako sa harapan nila.
Yun yung mahirap eh, madami akong alam, madami akong kayang gawin, madami akong talento ngunit katamtaman lang ang galing ko sa mga yun. Mahirap maging isang average person, may limit ang kakayahan mo, tila hindi kayang pantayan ang best at laging good lang. "Kaya ko, pero hindi ako magaling" iyan ang lagi kong bukam-bibig sa sarili. Kung pag-aaralan ko ang isang bagay, matututunan ko ngunit hindi ko magagawa nang kasing galing ng iba. I'm just good, not better, not best.
Bab Populer