Diary Ng XXX Celebrity
Ravi POV
Dear Diary,
Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng mapagsasabihan sa ngayon, kaya naisipan kong magsulat sa iyo, aking bagong diary.
Pagkalipas ng ilang buwan, diary, tuluyan nang nanganak ang asawa kong si Irina. Ang saya, sobrang saya! Ang tapang niya kasi kinaya niyang ilabas ang kambal naming anak na lalaki at babae. Ayos na sana e, sobrang saya na talaga, diary. Kaya lang, isa sa kambal ay mahina pala. Ang babae, namatay after five days. Limang araw lang namin silang nakasama ni Irina. Lahat nalungkot, pero pinaka-malungkot si Irina kasi babae ‘yung nawala. Sabi niya nung unang araw na manganak siya, paglaki ng babae naming anak, ibibili niya ito ng mga magagandang damit, aayu