THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO
RAMIRO
Ito na ang huling Bible study na mapapakinggan ko kung kaya’t inigihan ko nang makinig dahil sigurado akong mawawala na ito oras na bumalik ako dito.
“Isaiah 41;10, ‘Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagkat ako’y iyong Diyos; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran,’ hinihikayat tayo ng Diyos na mas maging malapit sa kanya sa araw araw ng ating buhay dahil ipinapangako Niya sa atin na hindi Niya tayo pababayaan,”