Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
9.7908 viewsOngoingIdinagdag sa Library 34 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
Escaping From My Knight

Escaping From My Knight

Tinkasan ni Naomi ang impyernong bahay na kinalakihan niya. Buong akala niya ay magkakaroon na siya ng kumpleto at masayang pamilya nang may umampon sa kanyang mag-asawa. Ngunit isang sindikato pala ang mga ito, pinalaki, pinag-aral, at binihisan siya ng mga kinalakihang magulang upang pagkakitaan. At bago pa tuluyang masira ang buhay niya, buwis buhay ang pagtakas na ginawa niya palayo sa mga ito. Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Conrad, isang simpleng construction worker. Binigay niya ang sarili niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakita at nakilala. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nagpaubaya sa lalaking estranghero sa buhay niya, dahil hindi niya maatim na ibenta siya ng mga sindikatong umampon sa kanya at higit sa lahat hindi niya kayang lunukin na kung sino-sino lang ang gumamit sa katawan niya. Ang buong akala niya ay iiwan na niya ang lahat ng iyon sa paglayo niya, hanggang sa isang araw ay nagkrus muli ang landas nila ni Conrad. Ang simpleng construction worker na nakilala niya ay inaalok siya ng kasal upang matakasan ang mga babaeng naghahabol dito.
10707 viewsOngoingIdinagdag sa Library 21 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
10476 viewsOngoingIdinagdag sa Library 11 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
MY SON'S DADDY is a MAFIA

MY SON'S DADDY is a MAFIA

WARNING ⚠️ SOME SCENES CONTAINS WORDS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS..!! READ AT YOUR OWN RISK ...!!! Dala ng matinding bugso ng damdamin sa pagdadalaga Amber Rizalyn Joy got pregnant at the age of seventeen, without knowing who is the man she slept with on that night. Paano kung isang araw ay makakaharap niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng kan'yang anak? Would it be possible that the man in front of her is the father of her son? Paano kung bigla na lang itong sumulpot sa kan'yang harapan kasama ang kanilang anak at yayain s'yang magpapakasal? Kaya n'ya bang tanggihan ang alok nito sa kabila ng nasaksihan n'yang pagmamakaawa ng kan'yang anak sa ama nito na pakasalan s'ya at buoin ang kanilang pamilya. Ano ang naghihintay na buhay sa kanilang mag-ina sa piling ng isang mafia? Magiging reyna kaya s'ya sa puso ng lalaki o magiging asawa lang dahil sa anak nila? Paano kung isang pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama? Pagsubok na s'yang sisira sa tiwala nila sa isat-isa kasama na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mananaig kaya ang nabuong pagmamahalan laban sa tiwala na nasira at nawasak?
10271.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 7.6K Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
Home Run In Love

Home Run In Love

sheswritehere
Fhoreviy is a frustrated twenty-six year old woman who keeps looking for her main purpose in life and is in the brink of giving up. Naniniwala kasi siya na ang tunay na kasiyahan ay saka niya lang makakamit kapag nahanap na niya ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Pagkatapos niyang mag resign bilang isang grade three teacher ay kaagad siyang nag trabaho sa flower shop ng kanyang best friend habang patuloy pa ring hinahanap ang kanyang 'purpose' sa buhay. A day before her duty in the flower shop starts, she meets the major league superstar, Hinode Shinkei whose life has always been dedicated to baseball. Pagkatapos ng araw na iyon ay sunod-sunod na ang pagkrus ng kanilang mga landas. Two souls who have never been in love, united by fate. Panandalian ba silang malilihis sa mga prayoridad nila sa buhay? Isang magandang pangyayari kaya ang makilala nila ang isa't-isa, o ito pa ang magdadala sa kanila ng trahedya?
2.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 61 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
Temporary Mrs. Saldivar

Temporary Mrs. Saldivar

Hindi inakala ni Maria Calderon na aalukin siya ng kasal ng sarili niyang boss na si Apollo Saldivar, kapalit ng dalawampung milyong piso. Ang dahilan? Gusto nitong patunayan sa ex-girlfriend na tuluyan na siyang naka-move on, matapos siyang iwan para sa karera nito. Kontrata lang ang kasal. Magpapanggap lang silang nagmamahalan sa harap ng ex. Pagkatapos ng isang taon, magpapaanul. Walang commitment at walang complications. Tumanggi si Maria noong una. Pero nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa kapatid, napilitan siyang pumayag. "Don’t fall in love with me, Maria. Hindi kita masasalo." 'Yan ang malinaw na bilin ni Apollo sa dalaga. "Don’t worry, Sir Apollo. I won’t. Alam ko po ang lugar ko," sagot niya. Pero paano kung kinain niya ang sariling salita? Paano kung isang araw, magising na lang siyang nahuhulog na sa lalaking hindi dapat mahalin?
543 viewsOngoingIdinagdag sa Library 21 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
My Step Mom

My Step Mom

Hindi matanggap ni McKenzie Elle Dela Fuentez na magpapakasal na ulit ang kanyang father kaya nagpunta Siya sa isang bar at nagpaka lango sa alak. Ang pagpapakalunod ni Mcki sa alak ay nauwi sa pakikipag one night stand, higit sa lahat ay sa isang babae kagaya niya. Dumating Ang araw na kailangan niya ng harapin Ang katotohanang may dumagdag na sa buhay ng kanyang ama kung kaya nagpunta Siya sa reception ng kasal bilang pag respeto at pag tanggap. Hindi niya lubos maisip na Ang babaeng pinakasalan pala ng kanyang ama ay Ang babaeng naka one night stand rin pala niya. Tignan mo nga Naman kung paano maglaro Ang tadhana sa kanila. Could a happy ending still exist? Abangan natin Ang love story ni McKenzie Elle Dela Fuentez at Allyna Celeste Constantine Di Silvestre sa My Step Mom. Only here at Good Novel.
101.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 34 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
Kinansela ang Kasal Para Sa’king Paghihiganti

Kinansela ang Kasal Para Sa’king Paghihiganti

Nakatanggap ako ng tawag isang araw bago ang aking kasal. "Miss McPherson, may sumira sa venue mo." Nagmamadali akong pumunta sa hotel nang may pagkalito at nakasalubong ko lang ang isang babaeng winwagayway ang wedding photo ko "You homewrecking skank! Inakit mo ang asawa ko at ginastos mo ang pera niya sa kasal na ito!" Naniwala ang karamihan sa kanya at nagkagulo. Pati ang manager ng hotel ay galit sa akin. "Alam ko nang may mali dito dahil hindi nagpakita ang groom! Hindi ka niya tunay na asawa!" Ang mga tao ay marahas na nagkagulo. Sa kaguluhang iyon, nakunan ako. Sa kasagsagan ng aking galit, tinext ko ang secretary ko: [Kanselahin ang kasal, at sipain si Matteo Brando sa aking kumpanya!] Ang kapal ng mukha niya na itago ang kabit niya gamit ang kayamanan ko! How dare she challenge me! Sisirain ko sila!
2.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 86 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
The Billionaire's Two Wives

The Billionaire's Two Wives

"Karma has no menu. You get served what you deserve." Nang pagtaksilan ni Megara ang karelasiyon niya nang limang taon para sa lalaking si Russel, hindi niya kailanman naisip na babalikan siya ng karma. Buong akala niya ay siya lang ang babae sa buhay ng asawa, pero isang araw ay dumating sa harap niya si Narissa. Napag-alaman niyang kabit ito ni Russel ngunit pangalawang asawa ang pakilala nito sa kaniya. Kahit anong pakiusap at pagtataboy, hindi iniwan ng dalaga si Russel. Hanggang kailan niya matitiis ang paghihirap ng damdamin kasama ang asawa at ang kerida nito sa iisang bubong?
1024.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 942 Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
Hot Night With Mattheus Martinez

Hot Night With Mattheus Martinez

SPG/ R-18+ Story of Mattheus Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You) Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel. Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Mattheus Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Mattheus kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Mattheus, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda. Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila? Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Mattheus kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan? Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.
10104.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.1K Beses bilang isang araw lyrics
Read
+Library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status