Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
18.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.871.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Bride of the Nine Tailed

The Bride of the Nine Tailed

Aurum Jazmine
Tinanggap ni Celestina ang isandaang bilyong dolyar kapalit ay pakakasalan niya at pakikisamahan si Lestre Sylverstain sa loob ng isang buwan. Akala niya ay matanda na ang pakakasalan subalit isa palang guwapo at matipunong lalaki ito. Ngunit sa kabila ng taglay na kakisigan ay nagtatago ang lihim nitong itinatago. At kung kailan mahal na siya ni Celestina ay saka pa magbabalik ang babaeng tunay na iniibig ni Lestre. Subaybayan ang kuwento ni Lestre at Celestina at ang lahat ng gusot sa kanilang buhay.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brutal Wife (Tagalog)

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!
Romance
1028.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Christmas

Forbidden Christmas

Three years ago, Maya felt something she shouldn't have for Derek Hayes. He's her best friend's father. Eighteen years older. Completely forbidden. She's avoided him ever since. But when Sophie invites Maya to spend Christmas at Derek's Colorado estate, two weeks of forced proximity ignite everything they've both been fighting. Secret glances become stolen kisses. Innocent touches turn into something neither can resist. They tell themselves they'll end it before Sophie finds out. But some loves refuse to stay hidden. When their secret is exposed, Derek loses his daughter. Maya loses her best friend. And both face an impossible question: is love worth the destruction it causes? A forbidden Christmas romance about the space between right and wrong, where the heart wants what it shouldn't have and family is both the greatest gift and the highest cost.
Romance
289 viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
165 viewsOngoing
Read
Add to library
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
Romance
1046.8K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

itsmeaze
Dahil sa kagustuhan ni Xavier Collins na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, hinanap at pinilit niyang pinaamin ang babaeng maaaring may kinalaman sa kaso—si Ashley Fate Anderson, isang hindi kilalang manunulat na gustong maibahagi ang kaniyang mga akda sa buong mundo kahit hindi pabor sa kaniya ang tadhana. Matapos mahanap ang kopya ng manuscript ni Fate sa mismong pinangyarihan ng krimen ay naisipan ni Xavier Collins na ipadukot at ikulong ito sa mala palasyo niyang bahay. Noong una ay ginawa lang ito ni Xavier para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit habang tumatagal ang pananatili ni Fate sa pamamahay niya ay hindi niya namalayang umiibig na siya sa dalaga.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status